Advertisers
ARESTADO sa anti-illegal drug operation ang isang konsehal ng bayan ng Corcuera, Simara Island nang mabilhan ng iligal na droga sa labas ng Odiongan Port sa Barangay Poctoy, nitong Linggo ng umaga.
Kinilala ng Romblon Police Provincial Office (PPO) ang konsehal na si Ricky Fermo.
Ayon sa ulat ng pulisya, 2:43 ng umaga nang mabilhan ng undercover operative ng shabu si Fermo sa halagang P4,000.
Kasakukuyang nasa kustodiya ng Odiongan Municipal Police Station ang konsehal habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.
Si Fermo, bago pa maging konsehal, ay dati nang nakulong sa parehong kaso.
Wala pang pahayag ang konsehal tungkol sa insidente.