Advertisers
KLINARO ni Comelec Committee on Kontra Bigay chairperson at Comm. Ernesto Maceda Jr. na hindi lang mga registered voters ang kwalipikadong magsampa ng reklamo laban sa mga politikong lumalabag sa Fair Election Act.
Ayon kay Comm. Maceda, kahit ordinaryong indibidwal na nakasaksi ng bilihan ng boto o kaya naman ay pagtanggap ng bayad mula sa kandidato ay pwedeng magsumbong.
Kagaya umano ito ng paghahain ng kaso na hindi lamang ang nasa legal age ang maaaring magsumite ng complaint kundi kahit sinong nakaka-alam sa pangyayari.
Ang mahalaga aniya ay may hawak na ebidensya, maging ito man ay video, pictures, salaysay, dokumento at iba pa.
Sa ngayon, marami na umano silang hawak na reklamo, pero idadaan pa naman ito sa beripika-syon.
Ilan sa mga inaakusahan ng vote buying ay mga prominenteng tao at may affidavit na rin ang complainant sa mga ito.