Advertisers

Advertisers

KAHABAAN NG PASIG RIVER BIGYANG BUHAY MULI!

0 2,921

Advertisers

Pagkamangha’t tuwa ang naramdaman ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR nang masilayan nito ang kagandahan ng makasaysayang ILOG PASIG sa naging inagurasyon ng PHASE 3 PASIG RIVER REHABILITATION PROJECT na may temang “PASIG RIVER BIGYANG BUHAY MULI”.

Sa nasabing inagurasyon na isinagawa nitong last week sa PLAZA MEXICO, RIVERSIDE DRIVE, INTRAMUROS, MANILA ay inihayag ni PRES. MARCOS JR ang kanyang buong suporta sa proyekto kasama si FIRST LADY LOUISE ARANETA-MARCOS.., na ang PHASE 3 ay bahagi nang pagpapaganda sa PLAZA MEXICO, MAESTRANZA BOARDWALK CONSTRUCTION at pagsasaayos ng FORT SANTIAGO  upang mapasiglang higit ang TURISMO at ECONOMIC ACTIVITIES sa ILOG PASIG.

“Our mission is simple but it is difficult: to bring back the river to its pristine state and make it a vibrant waterway once again for life, for culture, and for mobility,” pahayag ni PRES. MARCOS JR na sinamahan siya ni FIRST LADY at dinaluhan ng mga opisyales ng INTER-AGENCY COUNCIL FOR THE PASIG RIVER URBAN DEVELOPMENT na pinangungunahan ng DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENTS AND URBAN DEVELOPMENT (DHSUD) kasama ang COUNCIL MEMBERS na kinabibilangan ng METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY (MMDA) at ng DEPARTMENT OF TOURISM (DOT) na nakikipagtulungan sa INTRAMUROS ADMINISTRATION at PRIVATE STAKEHOLDERS ng PASIG RIVER CAMPAIGN.



“I was happy and a little surprised to know that the Esplanade has become an instant hit among our Gen Zs and some Gen Alphas who use it as a backdrop for IG stories and for TikTok.., this will create a safer, more beautiful, and expansive area for public events, for gatherings, and for leisurely walks. More than a development project, it symbolizes unity— honoring our past while embracing progress,” pagpupunto ni PRES. MARCOS JR.

Tunay nga namang napaganda ang naturang lugar at dumarami ang dumadayo sa nasabing lugar ng LUNGSOD MAYNILA.., kung saan, ang ILOG PASIG ay bumabaybay hindi lamang sa kahabaan ng MANILA kundi maging sa kahabaan ng mga LUNGSOD ng MAKATI, MANDALUYONG, PASIG at TAGUIG na ang pagpapaganda sa tabi ng ILOG PASIG sa MANILA ay kinakailangang magtuloy-tuloy sa lahat ng lugar na bumabagtas ng makasaysayang ilog.

Mga ka-ARYA.., dapat lamang mapag-ukulan ng ating gobyerno na mapakinabangang muli ang PASIG RIVER.., hindi lamang bilang pasyalan, cycling, jogging at tambayan o ang pagiging pedestrian-friendly heritage corridor, kundi maging bahagi rin ang katubigan nito bilang espasyong transportasyon upang maibsan ang matinding trapiko sa kakalsadahan ng METRO MANILA!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">