Advertisers
Ni Oggie Medina
MAPALAD ako na nakapanayam ko si Cardinal Luis Antonio Tagle noong nasa Manila pa ako.
Siya ang maaring susunod na maging lider ng Simbahang Katoliko sa buong mundo, ang maging isang Pope na nakabase sa Rome, Italy.
May teleradyo program pa siya noon nang akin siyang nakapanayam.
Taga Imus, Cavite siya at nag-aral sa Saint Andrew’s School (maraming nagiging pari rito at ako’y muntik na maging isang pari) sa Paranaque City. At nagkolehiyo sa Ateneo de Manila University.
Damang-dama ko ang kanyang sinseridad at mapagkumbaba. Siya ay nasa Roma sa kasalukuyan at napakalapit kay Pope Francis (ipagdasal natin ang kanyang paggaling sa karamdaman).