Advertisers

Advertisers

Asia’s Princess of Love Songs may back to back na bagong singles, 1 Million views sa Facebook!

0 8

Advertisers

KALALABAS lang ng “Asia’s Princess of Love Songs” na si Diane de Mesa ng kanyang back to back singles, ang “Don’t let go now”, “Di pa huli” at “Hanggang dito na lang”. Bawat singles ay humamig ng 1 Million views sa Facebook at marami ang nakaka-relate sa mga awiting ito. “Don’t let go now” ay isang duet na inilabas ni Diane nung November 2024 kasama ang isang Indie Rocker na si Nadj Zablan.

Ito ay isinulat ni Diane at inareglo ni Jayson Dolotina. Para ito sa mga nagtatanong kung kailangan pa ba nilang ipaglaban ang kanilang relasyon. Simula ng taong 2025, ini-release ni Diane ang “Di pa huli” (mula sa kanyang “Begin Again” album) na sya namang collaboration niya na kasama sina Oliver Coderes na s’yang nag-areglo at nag-keyboards sa music video, at si Obet Rivera na gumawa ng guitar solo.

Ang “Di pa huli” ay may 80’s vibes na minix-and master ni Angelo Rozul. Iniaalay ni Diane sa lahat ng mga may gusto sa isang taong taken na pero umaasa pa rin na sana ay hindi pa huli ang lahat na mapansin!
Nitong buwan ng February naman ay inilabas ni Diane ang kanyang latest single na “Hanggang dito na lang” na sa Boracay pa kinunan ang official music video nito, at sa direksyon ni Loricar Molato Fernandez. Maraming nakaka-relate sa awiting ito ni Diane na nagtatanong kung magpapatuloy pa ba sa isang relasyon kung alam mo na ang isa ay bumitaw na. Isinulat din ito ni Diane at inareglo ni Jayson Dolotina.



Busy rin si Diane ngayon dahil maliban sa pagiging isang full time Registered Nurse ay kasalukuyan siyang nagbalik eskwela sa kanyang music online course para sa “Audio and Music Production” sa University of Silicon Valley sa San Jose, California. Para sa kanya, malaking bagay ang pagiging “hands-on” sa mixing, mastering at post-production ng kanyang mga awitin dati pati music videos mismo ay s’ya ang nag-eedit.

Abangan ang mga singles na ilalabas ni Diane sa mga susunod na buwan!

Pakinggan ang mga latest singles ni Diane na “Don’t let go now” feat. Nadj Zablan, “Di pa huli”, at “Hanggang dito na lang” sa kanyang Spotify at iba pang digital platforms.

Follow Diane on all of her social pages:
Facebook: @dianedemesamusic @DDMStudioLive
Group: Dianaticz
Instagram: @diane_demesa
Tik Tok: @dianedemesaofficial
Official website: http://dianedemesamusic.com

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">