Advertisers
ABOT TAINGA ang aking tawa nang magbigay ng payo si Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio sa mga botante para sa halalan sa Mayo 12.
Say ni Inday: “Ngayong darating na halalan, pakinggan natin ang mga pangako ng pulitiko. Tingnan natin ang kanyang kapasidad, tingnan natin ang kanyang abilidad. Huwag tayong bumoto ‘di lang dahil galing sa political dynasty, huwag tayong bumoto ‘di lang dahil Duterte ang apelyido, anak ni Digong. Tingnan nating kung anong magagawa niya, ano ang nagawa niya, at higit sa lahat ‘yung nangako siya sa kanyang mga gagawin para sa bansa, naibigay ba niya?”
Ipinagsigawan ito ni Inday sa kanyang pagbisita sa Cebu noong Pebrero 26, 2025.
Kung ating nanamnamin, ang mga binanggit na ito ni Inday ay bumanlandra sa mga kandidato nila maging sa kanyang pamilya. Mismo!
Eh sino-sino ba ang mga kandidato ng Duterte sa pagka-senador? Mostly sa mga ito ay kenkoy, sikat nga lang. Oo! ilan lang talaga ang puwede maging mambabatas sa senatorial slate ng partido nila Digong, yung mga titulado, the rest mga patawa, walang mga kapasidad, may mga kinakaharap pang kaso ng katiwalian. Ewan!
Sa usaping political dynasty,balandra rin ito kay Inday. Bakit? Eh pamilya Duterte lahat nasa politika na eh. Mula sa lolo hanggang sa apo! Mismo!!!
Ang ama na si Rody Duterte, naging pangulo na, takbo uli ng mayor; ang mga anak na si Polong, kongresista; si Baste, mayor kumakandidatong vice ng kanyang ama; si Inday VP; ang apo kandidatong konsehal. Ano ang tawag n’yo rito? Political dynasty, ‘di po ba?
Hindi lang binanggit ni Inday ang korapsyon kasi masasapoul din siya. Hehehe…
Si Inday ay nahaharap sa impeachment dahil sa mga katiwalian at pag-aabuso sa kapangyarihan? Ang kanyang poltical career ay nasa mga kamay na ngayon ng Senado pagbalik ng session sa Hunyo 2. Nakakalendaryong simulan ang impeachment trial mula sa Hulyo 30. Subaybayan!
***
Napanood n’yo’ ba ang viral video ng LTO enforcers sa Bohol?
Grabe ang ginawa ng mga mokong sa isang nakamotorsiklong magsasaka. Kala mo kriminal ang sinalya nila eh.
Nagsasabi na nga yung tao na isa siyang magsasaka, at ang dala niyang kutsilo ay gamit sa pagsasaka, inupan parin ng mga animal.
Yun!!! Pinatigil ng gobernador ng Bohol ang lahat ng operasyon ng LTO Flying Squad sa buong lalawigan. Tama lang!
Ito yung sinasabi natin na binigyan lang ng konting kapangyarihan ay feeling powerful na.
Dapat tandaan nitong mga pasueldo ng gobierno na sila’y empleyado ng mamamayan, na ang kanilang boss ay ang taumbayan. Kaya ‘wag maging lapastangan!!!