Advertisers
“ANG problema natin ngayon sa hinaharap natin, same individuals involved in illegal gambling in POGOs. They’re trying to get in government. If you would see, ang daming tumatakbo”. Ito ang panayam ni House Assistant Majority Leader Ernix Dionisio Jr. ng Manila. Inudyok ni Cong Ernix na huwag iboto sa Mayo 12 ang mga kandidato na dawit at may kaugnayan sa sa Philippine offshore gambling operators o POGOs.
Sa totoo lang, napakarami nilang tumatakbo sa eleksyon at tumataya na maluklok sa poder. Nahahalata tuloy na ginagawang lagusan ng mga taong ito ang pamumulitika, dahil napakadaling pumasok dito gamit ang salapi. Pati sa bantay ng balota, ang Comelec, napapadali ang trabaho.
Sabi ng iba, “eh ano naman? Tuwing eleksyon lang naman”. Hayaan ninyo sukatan ko kayo ng antipara nang lumiwanag ang inyong pananaw at punto-de-vista: Totoo na naglilipana ang mga kandidato tuwing eleksyon, at napakaraming kuwarta ang naglalaro. Ngunit kapag ang kuwartang ito ay ginamit upang mamili ng boto, nagpara ninyong ibinenta ang kaluluwa ninyo sa demonyo.
Didiretsuhin ko kayo, dalawa ang nagbabadyang panganib: una, ginagamit ng mga ahente ng pulahang tsina ang pagmamanipula ng mga botante ang kuwartang hawak nila gamit ang POGO. Ngunit matapos ang dalawang buwan ng pagbawal nito, naalarma ako sa pagsibol ng aktibidad na kinalaman sa POGO.
Lumilinaw sa akin na ang pagpalaganap ulit ng POGO ay isang estratehiya ng panlilinlang na ginagamit ng pla sa kanilang “asymmetric warfare”. Konektado ang lahat ng ito, ang POGO, pagtakbo ng mga tsino partikular sa Catanduanes, atbp, at ang pagbaha ng kuwarta para sa paglumsad ng kampanya.
Upang maalis ang anumang duda, harapin natin ang mga kumakampanya at alamin ang pakay nila at plataporma sa bayan. Dito lang pagnilayan ng mabuti ang karakter ng tumatakbo, nang magkaroon ng pasya. Hindi dapat maging madali para sa tumatakbo. Dapat pahirapan sila. Dahil sa maling desisiyon, sa kalaunan, ang taumbayan ang pahiirapan, maging pihikan, maging mapanuri, maging mapagnilay. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
NATUWA ang inyong abang lingkod sa nabalitaan kong ipinagbawal si Babs at Leon Guerrero na lumahok sa anumang parada ng Panagbenga sa lungsod ng Baguio. Tama lang dahil itong si Babs at Leon Guerrero taun-taon na lang tuwing ginaganap ang Panagbenga, ginagamit nila itong festival upang makaagaw-eczema.
Didiretsuhin ko kayo; kilala sila kaya magkakaroon ng advantage ang mga katulad ni Babas at Leon Guerrero, lalo na napuna na ng mga organizers ng Panagbenga na ginagamit nilang estratehiya ito para makakalap ng pogi-points. Mabut ipinagbawal na abusuhin ni Babs at Leon Guerrero ito.
Para sa kaalaman ng lahat itago na lang natin si Babs sa pangalang Imee Marcos at Leon Guerrero sa pangalang Lito Lapid. At bilang tuldok, ang ibig sabihin ng “panagbengga” sa salitang Ilocano ay “pamumukadkad,” o sa salitang Ingles “to bloom.” Huwag kayong magparang namumukadkad na almoranas sa ipinamamalas niyo. Baho ng istrok ninyo.
***
Wika Alamin:
PUWOK- sa mga Ifugao ito ang salitang nangangahulugan ng isang Unos o Bagyo. Kapag sinalin sa Ilocano: Masansan PUWOK daytoy iti kabambantayan. Sa Tagalog: madalas mabagyo dito sa bundok. Sa salitang Ingles: it is stormy up in the mountains.
***
mackoyv@gmail.com