Mayor Honey nagpasalamat kina PBBM at FL LAM sa revival ng Pasig River
Advertisers
NAGPAHAYAG ng tauspusong pasasalamat si Manila Mayor Honey Lacuna kina President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa kanilang mga ginagawang hakbang upang buhayin muli ang makasaysayang Pasig River.
“Maraming salamat po, Pangulong Bongbong Marcos sa inyong walang sawang serbisyo at pagmamahal sa bayan,” saad ni Lacuna.
Ang lady mayor ay sinamahan sina President Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at Interior Secretary Jonvic Remulla, at iba pa sa inagurasyon ng Phase 3 ng Pasig River rehabilitation project na tinawag na: “Pasig Bigyang Buhay Muli ” noong gabi ng Huwebes, February 27, 2025.
Ayon kay Lacuna, ang nasabing Pasig River Esplanade na dati ng pinasinayaan ay naging instant hit sa mga local at foreign tourists na naghahanap ng mga Instagrammable shots.
Ang Pasig River Esplanade bumabagtas sa Jones Bridge hanggang sa malapit sa duling bahagi ng Manila Post Office.
Sinabi ni President Marcos, Jr. , sa kanyang muling pagpapahayag ng kagustuhan na tumulong sa pagbuhay ng Pasig River, na:
“Our mission is simple but it is difficult: to bring back the river to its pristine state and make it a vibrant waterway once again for life, for culture, and for mobility.”
Ang nasabing inagurasyon ng Phase 3 ay ginanap sa Plaza Mexico, Riverside Drive sa Intramuros kung saan ang mga opisyal ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development, sa pangunguna ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa ilalim ni Jerry Acuzar ay naroon din.
Ayon pa sa Pangulo, ang First Lady aniya ang nag-o-oversees ng progreso ng mga mahahalagang proyekto at binigyang diin na ang pagmamahal nito sa kasaysayan at kultura , na layunin paigtingin at tiyakin na ang Pasig River ay magiging bahagi ng kolektibong pagkakakilanlan ng bansa.
Napag-alaman na ang Phase 3 ay lililha ng 2,000 square meters na open space nung isinara ang dati ng hinati na Plaza Mexico road.
“This will create a safer, more beautiful, and expansive area for public events, for gatherings, and for leisurely walks. More than a development project, it symbolizes unity— honoring our past while embracing progress,” sabi ng Pangulo. (ANDI GARCIA)