Advertisers
Ipinagharap ng reklamon sa City Prosecutor’s Office ng Manila sa pa-mamagitan ng Task Force Katotohanan, Katapatan at Katarungan (KKK) sa Halalan ng Commission on Elections, ang isang kandidato sa pagka-bise alkalde sa Reyna Mercedes sa Isabela ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act .
Sa reklamo ng Comelec, nag-post umano si Neryll Harold Respicio sa kanyang social media page ng video noong Enero 24 alas-7:00 ng gabi na may totulong paano i-hack ang automated counting machine (ACM).
Muling nag-post kinabukasan Enero 25 si Respicio ng video ng actual hacking ng diumanoy source code ng ACM at kung paano ito ma-daling manipulahin.
Ayon kay Comelec Chair George Garcia gumawa ng kunwaring source code si Respicio para palabasin n kayang i-maniobra ang halalan.
Kauna-unahan itong kaso na inihain ng komisyon laban sa isyu ng cybercrime.
Ayon sa Task Force, maghahain din sila ng disqualification case laban kay Respicio gayundin ang disbarment sa IBP .
Gayundin sa PRC upang matanggalan ito ng lisensya bilang accountant.(Jocelyn Domenden)