Advertisers
ANG ipinangangalandakan ng Duterte Die Hard (DDS) supporters (DDS) na “world class” na tulay sa Sta. Maria, Isabela ay nawasak agad pagkaraang buksan 2 months ago.
Ito ang tulay na ipinagmamalaki noon ng DDS vloggers at Duterte trolls na hindi raw naibabalita ng mainstream “bayad media”. Hehehe…
Sa pagkawasak nitong Huwebes ng naturang tulay na gawa ng Chinese contructors na dikit kay ex-President Rody Duterte, wala manlang DDS vloggers ang nag-post at nagkomento. Natameme ang mga demonyo. Hahaha!!!
Ang tulay ay sinimulan gawin noong 2018.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nawasak na tulay.
House Quad Comm, pasok!
***
Naglabas na ng kalendaryo ang Senado para sa Impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.
Sa Hulyo 30 ito sisimulan. Ang balik ng session ng Senado ay Hunyo 2. Naka-break sila ngayon dahil sa nakatakdang May 12 midterm election, kungsaan 5 Duterte senators ang reelectionists – Imee Marcos, Bong Go, Ronald “Bato” Dela Rosa, Pia Cayetano at Bong Revilla.
Kapag na-reelect ang limang ito, kulang parin ang bilang nila para maisalba si VP Sara sa impeachment.
Oo! Ang impeachment at numbers game din, kampihan ika nga.
Sa mga incumbent senator, ang siguradong magsasalba kay VP Sara ay sina Robinhood Padilla, Mark Villar at Allan Cayetano.
Bagama’t kaibigan ng Duterte si Sen. Raffy Tulfo, hindi parin sila nakasisiguro rito. Dahil may sariling mundo itong si Raffy, at top contender ito sa pagka-presidente sa 2028, na maaring makalaban ni VP Sara kapag naabsuelto sa impeachment ang huli. Mismo!
Well, let’s see!!!
***
Matitindi na ang mga atake ni VP Sara sa administrasyon partikukar kay Pangulong Bongbong Marcos.
Hinihikayat pa ni VP Sara ang taumbayan na magalit kay PBBM. Kulang nalang sabihin niyang mag-aklas o sugurin si PBBM sa Malakanyang tulad ng nangyari noong 1986 nang salakayin ng mga tao ang Palasyo hanggang sa tumakas pa-Hawaii ang pamilya Marcos.
Atake ni VP Sara kay PBBM. Grabe raw ito ka-korap. At dapat magalit na ang taumbayan. Hehehe…
Pero sagot ng mga pro-Marcos, kung korap si PBBM mas korap ang Duterte. Ultimo pondo raw ng DepEd ay kinulimbat. Pati mga estudyante ay ginawang multo para makakupit sa public funds. Araguy!!!
Asahang titindi pa ang batuhan ng putik ng dalawang top politicians na ito sa bansa, na mga dating magkakampi.
Subaybayan!