Advertisers
Nalambat sa ikinasang buy-bust operation ang isang high value target sa Valenzuela nang kumagat sa bentahan ng droga sa nasabing lungsod.
Kinilala ang suspek na si alias “Bossy”, 20 anyos , kasama ang mga kasabwat na si alias ” Johaira”, 38 , at dalawa pa na sina alias “CJ”22 at 20-anyos na lalaki na si alias “John,” na naaktuhan pang nagsasagawa ng pot session sa loob ng bahay .
Sa ulat kay Northern Police District Director PCol.Josefino Ligan, sa isang anti-drug operation naaresto ng mga operatiba ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU), sa pamumuno ni PCol. Timothy B. Aniway Jr., Chief, DDEU, at matagumpay na naaresto ang high-value individual (HVI) at tatlong kasama nito matapos makapagtransaksyon ang pulisya at bentahan ng droga ala- 1:20 ng madaling araw ng Biyernes sa #30 Espiritu St., Barangay Marulas, Valenzuela City, katuwang ang Sub-Station 3, Marulas, Valenzuela City.
Nasamsam ng pulisya sa mga suspek ang ilang sachet ng shabu na nasa 110 grams na may standard drug price na P748, 000.00 , drug paraphernalias at marked money na ginamit sa transksyon.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Article ll of R.A 9165 ( Comprehensive Damgerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office at sasailalim sa inquest proceedings.
(Beth Samson)