Advertisers

Advertisers

SENATORIAL LINE-UP NI PBBM, DEEP-BENCH… MAHIRAP TALUNIN

0 10

Advertisers

DEEP-BENCH anila ang 12 SENATORIAL candidates ni Pangulong Bong Bong Marcos kung kaya’t mahihirapan itong talunin ng kanilang mga katunggali particular na ang SENATORIAL slate ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng PDP-LABAN.

Ang DEEP-BENCH na tinutukoy dito ay kinukumpara sa isang basketball team o’ mga player na wala kang pwedeng itapon at ibangko dahil ang lahat ng mga ito ay pumupuntos at may depensa, masyadong malakas ika nga.

Lahat ng mga ito ay may partisipasyon at pagkakaisa sa ipapanalo ng kanilang koponan. Ganon kalalim ang 12 SENATORIAL bet na binuo ni PBBM sa ilalim ng Alyansa ng Bahong Pilipinas.



Ganitong inila-larawan ng ilang political expert at political analyst ang SENATORIAL slate ni PBBM na sigurado daw ng pinag-aralan at kinilatis na mabuti ng una.

Lahat ng mga ito ay may potential at kapabilidad na nabuo sa kanilang utak, propesyon at eksperiyensa sa pamamalakad ng gobyerno.

Hindi na rin ito mga bagito sa larangan ng politika dahil silang lahat ay minsan na ring naging senador, gobernador, congressman, mayor at miyembro ng kabinete.

Ayon rin sa mga eksperto,walang bahid ng anumang kalokohan at anomalyang kinasangkutan ang mga ito,ito daw ang pinagbasehan ni PBBM ng pagpili sa kanila.

May nasangkot man anila, hindi naman ito napatunayan at naimbita lamang para tanungin hinggil sa mga akusasyong binabato sa kanila.



Ang 12 ito na nasa Alyansa ng Bagong Pilipinas ay liyamado at makukuha Ang lahat ng slot sa pagka senador, straight malamang ang laban.

Sa kanilang estado sa buhay, lehitimong mayaman at well to do silang lahat kaya Hindi na need na yumaman. Tiyak na uunahin na ng mga ito ang serbisyo sa bayan.

Mahusay din pumili at kumilatis ang Pangulong BBM na maihahantulad din sa kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Kung ating matatandaan, lahat ng naging miyembro ng kanyang kabinete noong kanyang administrasyon ay puro brilliant at henyo kung kaya’t sila na halos Ang hinayaan magpatakbo ng gobyerno.

Kung DEEP-BENCH Ang SENATORIAL slate ni PBBM,mas higit ang kanyang ama na hindi na kailangan pang turuan at gabayan.

Ilan sa mga ito ay sina Cesar Virata, Juan Ponce Enrile, Jaime Laya, Gregorio Cendana, Roberto Ongpin at iba pa,ang bigat d po ba?

Kumpleto rikado at wala ka ng hahanapin pa…

Ang lahat ng mga ito ay pumupuntos at may depensa, masyadong malakas ika nga.