Advertisers

Advertisers

PASAY LGU, PINURI NG PAOCC SA KAMPANYA KONTRA POGO SA BANSA

0 32

Advertisers

PINURI ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz ang seryosong kampanya ng Pasay City Government upang lubusan nang wakasan ang iligal na operasyon ng Philippine Gaming Offshore Operators (POGO) sa bansa.

Ayon kay Usec. Cruz, mismong si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang nanguna sa pagkakalansag ng isang malaking POGO hub sa limang palapag ng One Wheels Condominium sa SM MOA Complex, Brgy. 076, Pasay City nitong Miyerkules ng hapon, Feb. 26, kung saaan nasa 455 katao ang naaktuhang nagsasagawa ng iba’t ibang elicit operations tulad ng ‘love scam’, ‘investment scam’, at ‘crypto-currency scam’.

“Sana tularan ng iba pa nating LGUs itong ginagawang pro-active campaign ng Pasay LGU sa pangunguna ni Mayor Emi Calixto-Rubiano. Itong pagkakalansag po natin sa mga elicit operations ng mga foreigners ay dahil po sa tulong ng Pasay LGU,” wika ni Cruz.



Giit pa ni Cruz, sana ay gawing modelo ang Pasay LGU na nagpapakita ng solidong suportado sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na walisin at tuluyang nang tuldukan ang POGO operations sa bansa.

Sa 455 na naabutan ng joint operations ng Pasay LGU, PAOCC, at mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) s ani-raid na gusali, nasa 404 ang dayuhan na kinabibilangan ng Chinese, Indonesian, Malaysian, Korean, at Vietnamese nationals, habang 51 naman ang mga empleyadong Pinoy.

Ang mga nahuling dayuhan ay nabatid na dating POGO operations at nagpalit lamang ng estilo ng panloloko sa pamamagitan ng love scam, crypto-currency, at investment scam. Natuklasan din ng Pasay LGU at PAOCC na maliban sa pambibiktima ng grupong ito sa mga kapwa dayuhan, marami na ring Pinoy ang kanilang nabibiktima.

Sa panig ni Mayor Calixto-Rubiano, sinabi nito na simula’t sapul mahigpit na ang kanyang direktiba sa Pasay Police at sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) na ‘wag papasukin ang mga iligal na POGO sa lungsod.

“Even before the pronouncement of our President – Bongbong Marcos Jr., talagang ginagawa na naming ang paghihigpit sa mga POGO operators. At noong banggitin ng ating Pangulo ang ‘total ban’ sa POGO sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA), talagang ipinatupad natin ito,” giit ni Mayor Emi.



Katunayan aniya simula noong June 2024, umabot sa 164 ang naipasarang POGO operations sa lungsod ng Pasay.

“Katulad po ngayong taon (2024), sa mahigit 300 na business establishment sa Pasay na inisyuhan natin ng business permit – kahit isa po rito ay walang POGO business at alinmang negosyo na may kaugnayan dito,” giit ng alkalde.

Nagbabala rin si Mayor Emi sa mga nag-ooperate pa ng palihim o ‘guerilla type’ na POGO operations na wag na magtangkang magpatuloy dahil hindi niya hahayaang babuyin at maghari-harian ang mga dayuhang POGO operators sa lungsod ng Pasay.

“With our more intensive campaign to totally crackdown any form of elicit operations ng mga dayuhan – whether ito man ay palihim na POGO, love scam or anything that is illegal at hindi katanggap-tanggap sa ating gobyerno, I warn you – we are going after you at sisiguruhin nating mapaparusahan kayo ng batas,” babala ni Mayor Emi.

Nagkasundo rin ang Pasay LGU katuwang ang iba’t ibang ahensya at law enforcement ng national government sa pangunguna ng PAOCC, CIDG at Department of Justice (DOJ) na hindi sila titigil sa pagbuwag sa mga POGO at iba uri ng iligal na negosyo ng mga dayuhan sa bansa. (JOJO SADIWA)