Advertisers
NINAKAWAN ang isang pawnshop ng mga alahas na nagkakahalaga ng P40 milyon sa Davao City.
Sinabi ng pulisya na tatlong armadong lalaki ang sangkot sa pagnanakaw sa Hannah’s Pawnshop and Jewelry sa Ilustre St.
Pumasok ang mga magnanakaw sa establisyimento at nagdeklara ng holdap noong Miyerkoles.
Sa pagtakas ng mga holdaper, nasira ang kanilang sinasakyang motorsiko kaya nagkanya-kanya ng pagtakas ang mga ito.
Nahuli ang isa sa mga holdaper sa pampublikong palengke ng Barangay Bangkerohan habang ang kaniyang mga kasamahan ay nakatakas.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at manhunt operation ng mga awtoridad sa mga holdaper na armado ng mahabang armas.