Advertisers
UMISKOR si Malik Beasley ng 26 points sa 22 minutes off the bench upang tulungan ang Detroit Pistons na pahabain ang kanilang winning streak sa eight games laban sa Boston Celtics 117-97 Miyerkules ng gabi sa Little Caesars Arena.
Detroit ngayon ay may pinakamahabang winning streak in 17 years. huling nagwagi ang Pistons ng walo o higit pa ay noong 2008, nang magtala ng 10 victories mula Enero 23, hanggang Pebrero 13.
Cade Cunningham nagtala ng 21 points at 11 assists para sa Detroit, at Tobias Harris nagdagdag ng 16 points at humatak ng nine rebounds.Jalen Duren nagdagdag ng 13 points at 11 rebounds.
Jayson Tatum pinamunuan ang Celtics, sa iniskor na 27 points. Derrick White at Payton Pritchard nag-ambag ng tig- 18 points.habang si Kristaps Porzingis nagdagdaag ng 11 points. Al Harford umiskor ng nine points at 10 rebounds.
Boston ay naglaro wala si Jaylen Brown (left thigh contusion).