Advertisers
DAHIL sa kaliwa’t kanang batikos na inabot mula sa netizens, mga estudyante, propisyunal, religious groups, at maging sa ilang kasamahan sa Senado, pinaghahanda na ni Senate President ang mga departamento sa Senado para sa gagawing impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.
Magsisilbing Impeachment Court ang Senado sa mga reklamong isinampa ng Kamara para pataksikin ang Bise Presidente sa mga sumusunod na sala:
1. Conspiracy to Assassinate President Marcos, First Lady, at Speaker Romualdez
2. Malversation of P612.5 million na Confidential Funds
3. Bribery and Corruption sa DepEd
4. Unexplained Wealth and failure to Disclose Assets
5. Involvement in Extrajudicial Kiullings (Davao Death Squad)
6. Destabilization, Insurrection, and Public Disorder.
Tandaan: Sa anim na impeachment articles na ito, karamihan ng mga na-impeach na opisyal ay sa number 4.
Opo! Sa unexplained wealth and failure to disclose assets napatalsik sina dating Ombudsman Merceditas Gutierrez, dating late Chief Justice Renato Corona at ex-Chief Justice Lourdes Sereno.
Matatandaan na minsan nang inimbestigahan sa Senado ang hidden wealth o joint bank accounts ng mag-aamang Duterte (ex-President Digong, Congressman Polong, VP Sara at Mayor Baste) nang e-expose ito ni dating Senador Antonio Trillanes. Pero ang imbestigasyon ay naputol dahil majority ng Senador noon ay sumisipsip pa kay noo’y President Digong.
Ngayong mortal nang magkalaban ang Duterte at Marcos, at sa nakatakdang impeachment ay hindi malayong mabuksan na ang bank history ng Dutertes, na ayon kay Trillanes ay galing sa iligal na droga, illegal POGOs at smuggling ang bilyones na naging laman ng naturang joint bank accounts.
Kapana-panabik ito. Abangan!
***
Sinabi ng eksperto sa batas at dating Senate President na si Franklin Drilon na kapag napatalsik sa puwesto si VP Sara, nasa mga kamay ni Pres. Bongbong Marcos kung sino ang tatanghalin niyang Vice Pesident. Puwede raw magtalaga ang pangulo ng mula sa Senado at Kamara.
Sa aking damdamin, mas gugustuhin ni PBBM na maging VP niya ang kanyang pinsan na si Speaker Martin Romualdez kesa kay Senate President Chiz Escudero. Mismo!
Ito siguro ang rason kaya inupuan ni Escudero ang impeachment dahil nararamdaman niyang hindi naman siya ang ipapalit kay Sara.
At kaya lamang umaksyon si Escudero ay dahil binibira na siya ng taumbayan. Mismo!
***
May mga naghihikayat kay VP Sara na mag-resign nalang bago pa masimulan ang impeachment trial. Para raw hindi na maibulgar pa sa publiko ang mga naging katiwalian sa kanyang tanggapan at sa kanyang ama at mga kapatid, at para makatakbo pa siya sa 2028.
Pero ayon sa mga kongresistang prosecutor, kahit mag-resign si VP Sara ay kailangan ituloy nila ang impeachment para mahatulan ito at hindi na makabalik pa sa gobierno. Araguy!!!
Kaabang-abang ito, mga pare’t mare…
Abangan!