Advertisers

Advertisers

Malakanyang handa ibalik ang subsidiya ng PhilHealth kung ipag-uutos ng SC

0 15

Advertisers

NAKAHANDANG sumunod ang Malakanyang sa anumang kautusan ng Supreme Court (SC) na may kaugnayan sa isyu ng zero subsidy ng PhilHealth.

Ito’y matapos kwestiyunin ni Dr. Tony Leachon sa Korte Suprema ang desisyon ng pamahalaan na gawing zero subsidy ang state insurer, pagpapakitang hindi binibigyan ng importansiya ang kalusugan ng bawat Pilipino.

Sinabi Presidential Communications Office (PCO) Usec. at Palace Press officer Atty. Claire Castro, may sapat na mga dahilan kung bakit hindi binigyan ng subsidiya ang PhilHealth sa 2025 National Budget.



Nauna na ring idinipensa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi na kailangan ng subsidiya ng PhilHealth dahil may sapat itong pondo para sa kanilang mobilisasyon at maging sa pagbibigay ng benepisyo sa mga miyembro nito

Gayunpaman, sinabi ni Castro na hihintayin ng Palasyo ang magiging tugon dito ng Korte Suprema.

Nakahanda rin aniya ang Palasyo na ibalik ang pondo ng PhilHealth kung ito ay ipag-uutos ng Korte. (Vanz Fernandez)