Advertisers

Advertisers

MAG MULAT SA KAGALINGAN

0 2,161

Advertisers

Usaping programa ng pamahalaan ang isinalang sa isang survey kung saan lumabas na ibig kuno ng nakararaming Pinoy ang ipinatutupad na AKAP. Tunay na ‘di makatanggap ng mababang pananaw sa tao higit ang nasa laylayan na ibigay ang magandang pananaw sa programa ng AKAP at ang layong programa. Hindi matatawaran ang galing ng pang-eenganyo sa maraming kababayan higit ang mga pagdarahop ang kabuhayan. Sangkap ang kahirapang pumasok sa mga trabahong may sahod sa loob o sa labas ng bansa. Hindi makikitaan ng pagtutol o negatibong pananaw ang mga tao sa laylayan higit sa mga tumanggap ng ayuda, subalit tama ba ang itinatanim na kaugalian? Walang pagtutol sa pamamahagi ng ayuda dahil batid na mula sa pamahalaan na buwis ng bayan ang salaping gamit sa pamamahagi.

Sa mga taong lumipas, nag papalit palit ng pangalan ang programa ng ayuda ngunit ‘di nabawasan ang bilang ng mahihirap na Pinoy. Sa totoo lang, higit na dumami ang bilang ng mahirap na Pinoy na naging palaasa sa ayuda ng pamahalaan sa halip na magbanat ng buto o maghanap buhay. Walang maipakitang halimbawa na nakapagpatayo ng sariling maliit na negosyo na pinagkukunan ng tustusin sa araw-araw. Ipagpalagay na may ilan ang nakapagpatayo ngunit hindi ito magpatuloy tuloy sa kawalan ng galing sa pagpapayabong ng sinimulang negosyo. Sa totoo lang, higit na lalago ang bilang ng pala-asa sa ayuda halip na tumayo sa sariling paa. Dahil ang disenyo ng programa ng ayuda ang ‘di makarami sa sariling sikap si Mang Juan at laging umaasa sa abot ng politikong sakim. Sa pagiging palaasa, masisiguro na tatagal sa pwesto ang mga politikong laging nagtatalumpati sa harap ng mga taong umaabot ng ayuda. Sa kabila ng abutan, masisilip sa pag-alis ng politiko sa lugar ng bigayan ang magarang sasakyan na tila damit sa pagpapalit ng modelo.

Sa pananaw ng Batingaw, mainam na lakipan ng pagsasanay ang pag-aabot ng ayuda ng maging produktibo ang tao sa laylayan. Ang maturuan ng negosyo ang mga taong tumanggap ng ayuda ng mabawasan ang pagiging palaasa sa bigay ng mga politikong ganap ang kaganidan. Ang gisingin ang diwa ng mga tao sa pagnenegosyo sa tinatawag na maliit na puhunan ang isang malaking hakbang na maglalayo sa kanila sa kahirapan at magamit ang salaping tangan ng higit na pakinabang. Nakita sa nakaraan ang kagalingan ng “Micro-Finance” higit sa mga Pinoy na nalinang ang husay sa pagnenegosyo. Hindi batid kung bakit maraming pulitiko ang hindi nagbabalik aral sa galing sa nakaraan. O’ sadyang naka disenyo ang ayuda ng nanatiling nakalutang ang ngalan ng mga pulitikong lokal o pambansa. At ang layon na ‘di ibig bitiwan higit malaki ang pakinabang sa salaping bayan at pang halalan.



Hindi tinututulan na ibaba ang salapi ng pamahalaan sa dapat ibaba, ang mabago ang layon ng ayuda higit ng AKAP ang dapat ayusin para sa higit na pakinabang ng tao sa laylayan. Iwaksi ang programang palaasa na nagtutulak sa tao na maging tamad at ang maghintay ng mga susunod na abutan ang dapat mawala sa kasalukuyan. Mag buo ng pagkamulat na programa at linangin ang husay ng Pinoy sa pagpapataas ng kabuhayan ang ibig na naganap sa laylayan ng lipunan. Palabasin ang kagalingang Pinoy ng makinabang ang bayan at maraming nagdadahop na Pinoy na manlilikha ng trabaho kahit sa maliit na paraan. Tunay na matarik ang laban sa kahirapan ngunit ang unang tamang hakbang upang mabawasan ang kahirapan at kawalan ng hanap buhay ang isagawa at ‘di ang pamimigay ng salapi para sa halalan.

Ang pagmumulat sa likas na kagalingan ng Pinoy at ang makita ang pakinabang ang gawin ng makaahon sa lugmok na kahirapan. Balikan at pulutan ng aral ang nakaraan at bumuo ng programa na sasagot sa kahirapan sa ngayon at maiwasan sa darating na panahon. Hindi biro ang ambag ng maliit na puhunan sa kabuhayan ng Pinoy, ang pagpapababa ng mga tagapagsanay sa negosyo o kakayahan ang isagawa na kalakip ng ayudang bangit, nariyan ang TESDA maging ang bangko sa lupa ng pamahalaan. Sa katunayan magaganda ang programa ng gobyerno ngunit ang kawalan taimtim na serbisyo ang dahilan sa pagkalumo ng pananaw ng tao sa mga opisyal na una ang sarili bago ang bayan. Wala sa diwa ng mga namumuno ang makapagsarili ang Pinoy higit sa kabuhayan. Ang kaisipan na dapat lumapit si Mang Juan higit sa oras ng pangangailangan ang itinatanim at patuloy na itinatanim sa tao sa laylayan. Walang puwang ang mamulat si Mang Juan sa kalagayan na layon ng sakim na namumuno ng bayan.

Sa totoo lang, bale wala sa lider ng bansa ang mahusay na programa sa kahit may kagandahan ang kinalabasan dahil sa ngalan ng kung sinong pulitiko. Ang masakit, bumubuo ng sariling programa na pakinabang sa sarili ang habol at katiting kay Mang Juan. At ang kapaitan ng programa, ang mag-abot ng katiting para sa tao sa laylayan, ang maging palaasa’t tamad at ang panlilimos sa opisyal na sandamukal ang naisubi sa lukbutan. Walang lugar na makaahon sa kahirapan ang layon sa uri ng programa na pinatutupad sa ngayon At ang mamulat na may kagalingan si Mang Juan ang ‘di ibig ng politikong malaki ang pakinabang sa pera ng bayan.

Sa totoo lang, umaasa na ang mamulat si Mang Juan angking kagalingan ang isagawa ng mga lider ng bansa higit kung nais ang mapalakas ang kabuhayan ng bayan. Hilahin ang Pinoy na lumahok sa gawaing kabuhayan ng bayan at ang bansa ang aani sa punla ng pakikilahok sa gawaing ipapatupad. Nasilip na sa baba ng lipunan mula Aparri hangang Jolo ang galing ng Pinoy na nagsimula sa maliit na puhunan at nang tumagal lumaki ang negosyo, makapaglikha ng trabaho na pakinabang ng nakakarami. Ang pagbibigay salapi na may kalakip sa pagsasanay ng kakayanan na magsimula ng negosyo na may disiplina ang programang dapat ipatupad ng pamahalaan.

Sa totoo pa rin, maganda ang programa ng Micro-finance ng pamahalaan, ang mali sa programa’y ang mga namamahalang mga opisyal na una ang sarili at kakampi sa pinatupad na programa. Sa programa karaniwang nakakakuha ng o nakakahiram ng salapi ang mga kaibigan o kamag-anak na gamit para sa sariling negosyo na naglalayo sa maraming tulad ni Mang Juan na makilahok. Hindi pansin ang ‘di kakilala na parang sa kasalukuyang ayuda na ang aabutan ay ang mga kilalang malapit sa lider sa baba at kilalang sumuporta sa lider na nagbaba ng salaping bayan. Sa programa, dapat masiguro ang paglalakip ng pagsasanay pagpapatupad ng ano mang uri ng programang ipapatupad. At kung magagawa, ang ituhog ang programa sa iba’t ibang ahensya o grupo na magtutustos ng ano mang kailangan.



Panghuli, buwagin ang AKAP sa halip bumuo ng programa na magmumulat sa tao na mag-iisip at magsikap para sa pakinabangan ng matagalan. Iwaksi ang palaasang programa, ang maimulat sa kagalingan ang bawat Pinoy ang unahin ng ang pagbangon ng kabuhayan ng bayan ang magtuloy tuloy para sa kapakinabangan ng bayan at ni Mang Edi.

Maraming Salamat po!!!!