Advertisers

Advertisers

Impeachment trial sa Hulyo 30 uumpisahan – SP Escudero

0 9

Advertisers

POSIBLENG umpisahan ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte sa Hulyo 30.

Ito ang inanunsyo ni Senate President Francis “Chiz” Escudero maka-raang ilabas ang inisyal na timetable para sa magiging procedure ng impeachment trial.

Nagbigay din si Escudero sa media ng kopya ng isang liham na may petsang Pebrero 24 na ipinadala niya sa kanyang mga kasamahan, kay Duterte, at Speaker Ferdinand Martin Romualdez kung saan nakalakip ang proposed calendar para sa impeachment trial:



Batay sa proposed calendar ng impeachment trial sa Hunyo 2 ang Resumption ng session, dakong 3:00 ng hapon isasagawa ang presentation ng Articles of Impeachment ng mga prosecutors; at pag-apruba ng revised Rules of Procedure on Impeachment Trials.

Sa Hunyo 3, alas-9:00 ng umaga ang pag-convene ng Impeachment Court at oath-taking ng mga incumbent senator-judges.

Nabatid na Hunyo 4 ang Issuance of summons habang Hunyo 14 hanggang 24 ang Reception of pleadings.

Magkakaroon naman ng Pre-trial simula Hunyo 24 hanggang Hulyo 25,

Samantala sa Hulyo 28, alas-10:00 ng umaga ang inaugural session ng Senado para sa 20th Congress at alas-4:00 ng hapon ang Joint Session ng Congress para sa State of the Nation Address ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.



Ang Oath-taking naman ng mga newly elected senator-judges sa Senado bilang Impeachment Court ay idadaos sa Hulyo 29, alas-9:00 ng umaga at dakong 3:00 ng hapon ang Plenary session ng Senado.

Mag-uumpisa ang trial sa Hulyo 30 simula alas-9:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon na tatagal ng tatlong buwan.

Sa press briefing, sinabi ni Escudero na pag-uusapan at pagdedesisyunan pa rin ng Senado ang proposed calendar sa sandaling ipagpatuloy ng mga senador ang sesyon sa Hunyo 2.

“Hindi ito nakaukit sa bato. Hindi ito ‘yong mangyayari na talaga… para magkaroon sila ng ideya na at habang recess matimbang na nila kung ano talaga ang gusto nila at ano ang magiging pasya ng mas nakararami kaugnay niyan,” diin ni Escudero. (Mylene Alfonso)