Advertisers

Advertisers

DUKTOR NATAGPUANG BUTAS ANG ULO SA CONDO SA MANILA

0 285

Advertisers

Natagpuang wala nang buhay ng kanyang mister ang isang doktora na nakahandusay sa loob ng tinutuluyang condominium sa Malate, Maynila.

Sa pagsisiyasat ng Manila Police District -homicide section, kinilala ang biktima na si Cecille Recabo, 30, doctor ng Philippine General Hospital at residente ng Archer’s Place West Tower sa Malate, Maynila.

Sa ulat, nadiskubre ang sinapit ng biktima 11:30 ng gabi nang magtungo sa condo ang mister nito na si Don Kristofer Roy, 33, isa rin doctor, na nakatira naman sa Pine Street West Fairview, Quezon City.




Ayon kay Roy umuwi siya sa kanilang condo at dito niya nakita ang duguang biktima kaya kaagad siyang humingi ng tulong sa security guard. Isinakay nila sa elevator ang biktima at idiniretso sa PGH pero hindi na ito umabot ng buhay.

Nakita ng imbestigador na butas ang tuktok at sa kanang bahagi ng ulo ng biktima pero hindi sira ang pintuan at hindi magulo ang kuwarto ng biktima.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang ikinamatay ng biktima at kung may nangyaring foul play..