Advertisers

Advertisers

Dimples Romana Shocked Sa Ala-Linda Blair Na Eksena Sa “THE CARETAKERS,” Iza Calzado Mahusay Rin Sa Death Scene; “CAYETANO IN ACTION WITH BOY ABUNDA” Well Followed Sa Abroad

0 26

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

LAHAT ng nasa loob ng Cinema 3 ng SM The Block na nanood ng Red Carpet Premiere ng “THE CARETAKERS” ay napapasigaw lalo na sa mga scarry scenes sa bagong horror movie na pinagbibidahan nina Iza Calzado at Dimples Romana.

Grabe yung suspense ng pelikula na hindi predictable ang ending. Kumbaga sabi nga ni Ma’am Roselle Monteverde ay “I’m still reeling from that unforgettable ending. Even me and my co-entertainment press and bloggers. Sobrang nasurprise sa ending ng The Caretakers. Na feeling namin after umalis ng ancestral house si Iza Calzado kasama ang dalawang anak na babae na parehong nakakita ng iba’t ibang elemento na tinakot sila. Tapos na yung movie. Yun pala ay may revenge pang mangyayari na parehong ikasasawi nina Iza at Dimples dahil sa pagprotekta nila sa kanilang mga anak. Gumaganap na panganay na anak ni Dimples ay lalong gumuwapong batang aktor na si Marco Masa as Gani at ang kalabtim naman ni Marco na si Ashley Sarmiento bilang Ali na eldest daughter naman ni Iza.



Bago ang kuwento ng The Caretakers na tungkol sa bahay ng mister ni Iza na pinamamahayan ng iba’t ibang elemento na ang Caretaker ay si Dimples na kontra sa pagbebenta ni Iza ng property dahil magugulo at magagalit ang mga nananahan dito lalo na sa silong ng bahay.

At dito na nag-umpisa ang katatakutan na eksena na maging si Dimples ay shocked at hindi makapaniwala ng ala-Linda Blair siya sa pelikula ng iconic Hollywood star na “The Exorcist.” Si Iza ay iba rin ang galing ng performance sa movie also Dimples na tinraidor si Iza. Sobrang husay nito sa kanyang death scene.

Lahat ng cast ay magagaling maging ang mga child stars na sina Erin Espiritu bilang Agatha at Nita na ginampanan naman ni Althea Ruedas. Nakaaaliw rin ang mga eksena na gumanap na couple na sina Inka Magnaye at Jake Taylor. Kahanga-hanga ang lakas ng global appeal ng The Caretakers na feeling mo ay horror sa Hollywood ang pinanonood mo. At hindi lang basta horror, kundi may malaking leksyon na hatid and film lalo na sa pagmamahal sa kalikasan.

Bravo sa director ng movie na si Shugo Praico at producers nito na Regal Entertainment, Inc ng mag-mommy Ma’am Roselle at Atty Sir Keith Monteverde at Rein Entertainment nila ni Direk Lino Cayetano. Palabas na ang The Caretakers sa 100 Cinemas Nationwide.

***



IBA rin ang dating ng “CAYETANO IN ACTION WITH BOY ABUNDA” compared sa ibang public affairs show. Yes, isa sa host ng weekend program ay ang Nag-iisang “ASIA’S KING OF TALK” na si Kuya Boy Abunda ay hinaluan ito ng talk show na magbibigay ng entertainment at breaker sa maiinit na topics tungkol sa kinahaharap na personal na problema ng ating mga kababayan na naka-eencounter ng iba’t ibang isyu na mga niloko, inapi, o maging ang problema niyo sa pag-ibig na walang kakayahan na kumuha ng abogado sa kanilang isinusumbong sa programa nina Kuya Boy at Cayetano siblings na sina Ate Senator Pia Cayetano at Kuya Alan Peter Cayetano. At dito na pumapasok ang usaping legal na nagbibigay ang programa ng libreng legal assistance sa mga mahirap ang kalagayan sa buhay. Yes, nagpo-provide sila ng legal advice sa ating mga kababayan na inosente at walang alam sa batas.

At bongga, dahil nasa year 3 na last February 5 ang CAYETANO IN ACTION WITH BOY ABUNDA na nag-umpisang umere noong Feb. 5, 2023 sa GMA 7 at may replays sa GTV 11. Well kapag pinanood mo kasi ito ay may aliw factor lalo na si Kuya Boy, na very entertaining, kumbaga nagagawa nitong maging positibo ang kanilang bawat episode. Kaya hindi lang patok ang show sa Pinas kundi pinapanood din ito ng maraming kababayan natin sa abroad.

Catch them every Sunday at 11 PM on GMA 7 and you can watch their replay every Saturday, 10:30 PM on GTV channel 11. At sa mga problema at reklamo na nais niyong idulog? Bisitahin lamang ang Official Facebook Page ng Cayetano In Action with Boy Abunda na meron nang 64K followers and still counting. Mapapakinggan na rin sina Kuya Boy at Kuya Alan sa DZBB Super Radyo. Kaya huwag mo itong palampasin, makinig na sa kanila tuwing Miyerkules ng gabi, 9:00 PM. At pwedeng-pwede niyong makakwentuhan sa ere sina Kuya Boy at Kuya Alan Peter Cayetano. Namimigay rin ng ayuda ang nasabing programa.