Advertisers
Umakyat sa walo ang bilang ng nasawi sa sunog sa isang bahay sa bahagi ng Desi Nueve de Agosto Street, Barangay San Isidro, Galas, Quezon City.
Batay ito sa impormasyon na ibinahagi ng Bureau and Fire Protection(BFP) matapos ang imbestigasyon sa isinagawa ng mga imbestigador.
Kabilang naman sa 8 nasawi ay ang dalawang taong gulang na lalaki; 3 pang lalaki kabilang ang labing dalawang taon at 4 na babae kung saan isa rito ay labinlimang taong gulang.
Isang 36 years old naman ang naitalang sugatan sa kaliwang bahagi ng kanyang sarili.
Ayon sa BFP, unang nakita ang dalawang bangkay sa unang palapag ng bahay habang dalawa pa ang nadiskubre sa ikalawang palapag.