Advertisers
Ni OGGIE MEDINA
BILANG paggunita sa nalalapit na Buwan ng mga Kababaihan ay nais kong ipakilala sa inyo si Carla Pulido Ocampo, ang anak ni CITEM executive director Leah Pulido Ocampo.
Siya ay isang film editor, screenwriter, documentary filmmaker, at cultural worker na nakatira sa indigenous territory ng Bontoc sa kabundukan rehiyon ng Cordilleras. Siya’y co-founder ng mga grupong Habi Collective, Balay Habi Studio, at Pelicula Union: mga tagapagtaguyod ng mga alternatibong cinematic culture sa Hilagang Luzon.
Nagtapos siya ng College of Mass Communication, University of the Philippines-Diliman bilang cum laude noong 2005.
Nakilala si Carla sa mga short documentary films, tulad ng Mga Dayo (2012), Walang Rape sa Bontok (2014) at Tokwifi (2019).
Ang “Walang Rape sa Bontok” ay nagwagi sa Gawad Urian ng Best Documentary noong 2015, at ito ay pinalabas sa Festival Internacional Signos da Noite sa Portugal noong 2016 at 2017.
Ang kanyang short film “Tokwifi” ay nagwagi ng Special Jury Prize sa 7th QCinema International Film Festival noong 2019. Nanalo rin ang nasabing pelikula ng Best Short Film sa 2020 FAMAS Awards.
Wika niya: “Tokwifi (Star, pronounced “tok-wee-fee”) is a short film that explores the what-ifs of differing love languages. But more than that, it is also a parable reflecting two significant issues in Philippine media – (1) how women characters are “boxed” within men-dependent stereotypes throughout the history of local television and (2) how famous Philippine personalities – labeling our indigenous mountain people as “primitive”, “uncivilized” or perennially unkempt – has time and again broken the indigenous heart.”