Advertisers

Advertisers

Rider at angkas patay sa bangga sa Quezon

0 12

Advertisers

PATAY ang isang rider at angkas nito na sakay ng Yamaha SZ motorcycle na may plakang DC75870 ng aksidenteng masagasaan ng isang hindi pa batid na sasakyan na minamaneho ng di pa kilalang salarin na agad tumakas sa North Bound Lane ng Maharlika Highway, Brgy. Talisay ng Tiaong, Quezon.

Kinilala sa kanilang mga alyas ang mga nasawing biktima sa aksidente na sina alyas “Erickson” at alyas “Melchor”,mga nasa hustong gulang at residente sa Brgy. Mayao Parada sa lungsod ng Lucena.

Base sa imbestigasyon ng pulisya napag-alaaman na galing sa north bound lane ang motorsiklo ng mga biktima ng aksidenteng salpokin ng isang sasakyan na galing ng south bound lane. agad namatay ang rider na si “Erickson” dahil sa lakas ng pagkakabangga habang humagis ng 100 metro ang angkas na si “Melchor” bago bumagsak sa semento na naging sanhi din ng kanyang agad na kamatayan.



Nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang ginagawang pagkalap ng impormasyon ng mga otoridad sa pamamagitan ng mga kuha ng CCTV sa lugar para makilala at mapanagot ang driver ng nakabangga sa motorsiklo na ikinasawi ng dalawang biktima. (KOI LAURA)