Advertisers
NAGSAGAWA ng inspeksyon ang pulisya rito sa mga cellphone ng kanilang hanay nang mapabalitang ilang pulis ang nahuhumaling sa online gambling at betting sa Malolos, Bulacan.
Sa Facebook post ng Bulacan Police Provincial Office, pinangunahan mismo nina Lt. Col. Allan Palomo, deputy police director for administration (DPDA); at Lt. Col. Laurente Acquiot, deputy police director for operation (DPDO) sa ilalim ng pamumuno ni Col. Satur Ediong ang inspection nitong umaga ng Martes sa mga cellphones ng mga pulis sa lalawigang ito.
Ayon sa post, walang pinili ang inspection dahil ultimo mataas na opisyal o mga hepe kasabay ang kanilang mga tauhan ay hindi pinalampas ng naturang inspeksyon.
Nalamang ang naturang hakbang ay para maiwasan na malulong ang ilan sa kanilang hanay sa online gambling at mawalan ng sahod kalaunan hanggang sa posibleng ma-involved sa krimen.
Nabatid na wala naman nakitaan ng online gambling and betting sa inspeksyon ng mga cellphone ng mga parak sa nasabing kampo ng pulisya.
Napag-alamang ang naturang direktiba ay alinsunod sa kagustuhan ni PNP Chief, General Francisco Marbil, na kalusin ang iligal na aktibidades sa kanilang hanay kung mayroon man.
Sinasabing maraming milyonaryo ang nalulong sa online gambling gaya ng scatter ang naghirap kalaunan.