Advertisers
Bilang pagmamalasakit sa kabuhayan ng mga ka-lungsod lalo na sa sektor ng NANO BUSINESSES o yaong maliliit na pagnenegosyo ay AARYAHIN sa makabagong sistemang pangkabuhayan ng mga ito ng PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY-QUEZON CITY (PCCI-QC) kaagapay ang QUEZON CITY GOVERNMENT.
Sa isinagawang 5th QUEZON CITY INTERNATIONAL BUSINESS CONFERENCE nitong nakaraang February 24, 2025 na may temang “BUILDING TOMORROW TOGETHER: FUTURE PROOFING BUSINESS, DRIVING SUSTAINABLE AND FOSTERING EQUITABLE ECONOMY” na pinangunahan ni PCCI-QC CHAIRMAN EMERITUS DR. CARL BALITA ay itinanghal ang kanilang grupo bilang MOST OUTSTANDING PCCI CHAPTER sa PILIPINAS sa loob ng 2-taon 2023 at 2024.
“We exist to help the MSMEs for sustainable business and equitable economy. We also help the nano enterprise in order to upskill them and we provide them space for them to showcase their respective products,” pahayag ni DR. BALITA.
“MSMEs have a P50,000 capital and are earning P200,000 per year and the nano business enterprises or sari-sari stores have only to pay P500 business registration and business permit fee, exemption from regulatory fees, including those who are beneficiaries of Pangkabuhayan Program. The street hawkers or street vendors will also be encouraged to register in order to determine their real number in Quezon City. Public Employment Office is the dedicated office of the QC LGU to bridge the link between the employees and the employers in Quezon City,” pahayag naman ni QC-BUSINESS PERMIT AND LICENSING DEPARTMENT HEAD MARGIE SANTOS-MEJIA.
Kaya naman, ang mga maliliit na pagnenegosyo ay hinihimok ng QC GOVERNMENT sa pangunguna ni MAYOR JOY BELMONTE na ang lahat ng mga nagnenegosyo lalo na ang mga nasa kategoryang NANO BUSINESSES o maliliit na pagnenegosyo tulad halimbawa ng mga street vendor na ihaw-ihaw, fishball vendor at iba pa ay marapat umanong magparehistro sa kanilang CITY GOVERNMENT upang makabenipisyo ang mga ito sa iba’t ibang programa gaya ng mga proyektong ipinagkakaloob ng PCCI-QC.
***
KAWANGGAWA NG MIRANDA CLAN SA RIZAL PROVINCE…
Tuwang-tuwa ang ilang mga residente na nakabahagi ng kawanggawang-malasakit mula sa VENJO MIRANDA CLAN na inorganisa ng ROTARACT CLUB OF RIZAL CENTRO na isinagawa kamakailan.
Ang proyekto ay bahagi ng 15th ANNIVERSARY ng ROTARACT CLUB OF RIZAL CENTRO na may temang “ANISERBISYO ALAY SERBISYO KALUSUGAN AT KALINGA PARA SA MGA KABATAAN” na ginanap sa SITIO DUMPSITE, ANTIPOLO CITY, RIZAL.
Bunsod nito ay nagsagawa ng FEEDING PROGRAM, LIBRENG PANGGUGUPIT NG BUHOK, PAINTING ACTIVITY at namahagi rin ng HYGIENE KITS mula sa VENJO MIRANDA CLAN.
Ang proyektong isinagawa ng ROTARACT CLUB OF RIZAL CENTRO ay pinangunahan nina JOVEN DELIM-MIRANDA, MIKE MIRANDA, ELVIE PELAEZ, CEDRIC QUERUBIN, JAMES DEPEDRO, KHALIL APARENTE at JHUNNIE VERANO.., at mula sa pagbati ng ARYA… HAPPY 15th ANNIVERSARY ROTARACT CLUB OF RIZAL CENTRO!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.