Advertisers

Advertisers

Nagbayad ng pekeng pera, itinumba

0 20

Advertisers

BUMULAGTA ang 42-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng siyam na beses ng dalawang gunmen na binayaran ng biktima ng pekeng pera noong Linggo sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Manila Police District -Homicide Section chief, nasawi si Jerry Calilap, residente ng Capulong St., Tondo dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang ginagamot sa Tondo Medical Center 8:02 ng gabi.

Tinutugis ng pulisya ang mga suspek na sina Andrew Villaflor, ng Magsaysay St., Barangay 120; at Jerson Sonajo, ng Model St., Barangay 119, kapwa sa Tondo.



Sa ulat, sinundan ng mga salarin ang biktima nang bumili ito ng pagkain sa kanto ng Quezon St. at ng Perla St.

Nakuhanan ng CCTV na kinompronta ng mga salarin ang biktima at ang pagtakbo nito at paghabol ng dalawa.

Ilang sandali pa, nakita ang biktima na nakahandusay kaya isinugod ito sa ospital.

Sa nakuhang impormasyon ng pulisya, sangkot umano ang biktima sa pagpapakalat ng pekeng pera at nabiktima nito ang mga salarin kaya rumesbak ang mga ito.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">