Advertisers

Advertisers

Bebot kinatay sa loob ng lodging house

0 13

Advertisers

Patay na nang matagpuan ang isang babae sa loob ng kuwarto ng isang lodging house sa Mariveles, Bataan. Ang kasama niyang lalaki na nag-check-in, hinahanap.

Sinabi ng pulisya na 2:00 ng madaling araw nang mag-check-in ang 35-anyos na biktima kasama ang isang lalaki.

Pero kinaumagahan ng 10:00 ng umaga, nadiskubre na ng room attendant ang bangkay ng biktima na duguan at may takip ng unan sa mukha.



Ayon sa ilang empleyado ng lodging house, may nadinig na pagtatalo sa kuwarto ng biktima bago nadiskubre ang bangkay nito.

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Dennis Orbista, hepe ng Mariveles Police Station, na bugbog ang mukha ng biktima at may nakatakip na unan sa mukha.

Patuloy pa umano ang imbestigasyon ng crime doctors at hinihintay ang resulta ng pagsusuri sa biktima.

Nanawagan naman ang mga kaanak ng biktima na sumuko na ang suspek para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng babae.

“Sa lalaking gumawa nito sa mama ko, huwag ka nang magtago, huwag mo na kaming pahirapan. Sumuko ka na. Hindi ka man lang naawa sa aming magkakapatid, lalaki kaming walang nanay,” hinanakit ng anak ng biktima.
Patuloy na inaalam ng mga suspek ang pagkakakilanlan ng mga krimen, at motibo sa krimen.