Advertisers
ULAT ng Philippine Coast Guard, napigilan nila ang pagpasok ng isang barko na may kargang tone-toneladang shabu na nagkakahalaga raw ng P34 billion.
Namataan daw nila ito sa karagatan ng Mindoro. Pero nang mamataan ng alien na barko ang barko ng PCG ay bumalik ito sa high seas at naglaho.
Sabi ng PCG, hindi nila na-identify ang barko dahil masyadong malalaki ang alon. At hindi na anito nalaman kung saan ito pumunta. Pero sa natanggap nilang intelligence ito’y may kargang iligal na droga na nagkakahalaga ng P34 billion at ibabagsak sana sa bandang Mindoro.
Ang tanong: Batid na pala ng PCG na may kargang tone-toneladang shabu ang nasabing barko bakit hindi pa nila ipahabol sa ating Navy? Kung malalaki nga ang alon, bakit nakaya ng alien na barko, at bakit hindi ng barko ng PCG? Ewan!
Kunsabagay posibleng may katotohanan naman ang “press release” na ito ng PCG dahil kung ating natatandaan… may ilang bilyong halaga ng shabu ang nasabat sa Batangas few months ago, isinakay daw ito sa yate.
Maaring may koneksyon ang nasabat na bilyones na shabu sa Batangas sa naharang na alien na barko ng shabu.
Pero dapat pagsikapan ng gobierno ng Pilipinas na matukoy ang naturang barko dahil maaring sa barkong ito rin niluluto ang shabu. Siguradong gagawa at gagawa ng paraan kung sinoman ang may kontrol sa naturang barko na maibagsak sa Pilipinas ang kontrabandong dala nito. Mismo!
Hmmm…’di kaya sa tropa ni Michael Yang na naman yan?
Bantayan!
***
Dapat imbestigahan ng Kongreso ang ibinunyag ni DepEd Secretary “Sonny” Angara tungkol sa “ghost students” na binadyetan ng P52 million sa pamamagitan ng SHS voucher para sa school year 2023 – 2024.
Ang pagpili raw sa ghost students na ito ay nangyari sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte bilang DepEd Secretary.
Patuloy na iniimbestigahan ni Angara ang nabuking na katiwalian. Hangad niyang managot ang mga nasa likod nito. Araguy!!!
***
Hindi sa sinisiraan natin si VP Sara. Pero lumalabas sa mga imbestigasyon na punung-puno ng katiwalian ang mga tanggapan na nasa kanyang pamumuno. At ayaw niyang magpaliwanag ukol dito. Nagagalit pa siya kapag tinatanong.
Sa totoo lang, mga pare’t mare, hindi masisira at mai-impeach sa Kamara si VP Sara kung hinarap lang niya ang mga imbestigasyon at nagpaliwanag nang may resibo kung paano ginamit ang daan-daang milyong public funds sa kanyang tanggapan. Kaso… wala eh…
Mahirap maging lider ng bansa ang katuylad ni Sara. Katulad lang siya ng kanyang ama na puros pagmumura at patayan ang lumalabas sa bibig kapag kinukuwestyon. Animal!!!
***
Dapat imbestigahan ng Kamara ang Bureau of Customs kung paano nakalalabas ng pier ang smuggled vehicles na kinukumpiska ng mga ito sa show rooms.
Oo! Nitong mga nagdaang araw ay panay ang raid ng BoC operatives sa mga tindahan ng mga high end na sasakyan. Mga smuggled daw ang mga tinda nito. Eh saan ba dumaan ang mga sasakyan yan, ‘di ba sa pier kungsaan sila nakabantay. Style!