Advertisers

Advertisers

3 paslit nalitson ng buhay sa sunog

0 7

Advertisers

NASAWI ang tatlong batang magkakapatid sa sunog na sumiklab sa kanilang bahay sa Barangay Magallanes, Pangasinan, Martes ng umaga, Pebrero 25.

Kinilala ang mga biktima na sina Jeniel, 6 anyos; James, 4; at Jennila, 3.

Ayon sa pulisya, iniwan sila ng kanilang ama na si Raymart at isinara ang bahay habang nagtsa-charge ng cellphone sa bahay ng kapitbahay.



Pagbalik ni Raymart 9:45 ng umaga, dinatnan niyang nilalamon na ng apoy ang kanilang bahay.

Na-trap ang mga bata at nang ma-rescue ng mga bumbero, idineklarang patay ang mga ito sa Municipal Health Unit dahil sa suffocation.

Idineklara ng Bureau of Fire Protection na fire out ang sunog 10:10 ng umaga.