Advertisers

Advertisers

‘Utak’ ng P2.7b shabu shipment mula sa Pakistan tinutugis

0 18

Advertisers

Pinatutugis sa Department of Justice (DOJ) ang mastermind ng P2.7 bilyong shabu shipment na galing sa Karachi, Pakistan na naharang sa Port of Manila ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan ang patuloy na pagtatangka na makapagpasok ng shabu sa bansa ay patunay na nananatiling nakakawala ang mga mastermind ng operasyon.

“The scale and complexity of these drug operations suggest that high-level individuals are orchestrating these illicit activities, profiting from the suffering of communities and posing a grave threat to public safety,” sabi ni Libanan.



“While the recent arrests of key operatives mark progress, justice remains incomplete until the masterminds are held accountable,” dagdag pa nito.

Noong Enero 23, naharang ng mga otoridad ang 405 kilo ng shabu na tinangkang ipasok sa bansa sa pamamagitan ng Port of Manila. Ang shabu ay itinago sa shipment ng vermicelli at custards.

“We urge the DOJ to strengthen its pursuit of the real masterminds behind this recent drug smuggling operation, as well as all previous shabu consignments that have entered through the Port of Manila,” sabi pa ng solon.

“Authorities must move beyond arresting low-level operatives and focus on dismantling the leadership structure that enables these illegal drug operations to persist,” dagdag pa nito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">