Advertisers
Nasawi ang isang katao nang na lumiyab ang sinasakyan nitong SUV sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) Northbound ng East Service Road sa Taguig City.
Wasak ang harapan ng SUV at muntikan nang mapunta ang kotse nang itong lamunin ng apoy.
Pasado 3:00 ng madaling araw dinala ang labi ng biktima sa punerarya.
Ayon kay PLt. Nadame Malang, tagapagsalita ng Highway Patrol Group, mabilis ang patakbo ng sasakyan nang binabagtas ang kahabaan ng SLEX.
Napansin umano ng mga round securities na mabilis ang pagtakbo ng sasakyan kung saan tumama ito sa center island na masasabing dahilan ng insidente.
Na-trap umano ang driver sa nasusunog na sasakyan. Dahil sa nasunog ang katawan ng biktima. Hindi pa masabi ng awtoridad kung babae o lalaki ang driver.
Wala rin nakuhang gamit para sa pagkakakilanlan ng biktima.
Patuloy na iniimbestigahan ng Highway Patrol Group o HPG ang pinagmulan ng sunog at ang pagkakakilanlan ng biktima.
Hinihintay pa nila ang Forensic Group ng Scenes of Crime Officers (SOCO) para sa patuloy na imbestigasyon.(Gaynor Bonilla)