Advertisers
APAT na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub ang sunud-sunod na raid ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa lungsod ng Pasay nitong mga nakaraang linggo.
Dahil dito, iniimbestigahan na ng PAOCC katuwang ang Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang culpability o criminal liability ng LGU officials ng lungsod lalong-lalo na ang nag-i-issue ng mayor at business permit.
Wala pang conclusion ang PAOCC, DOJ at DILG pero may case build up na daw laban sa Pasay City LGU.
Samantala iginiit naman ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na hindi nila kinunsinte ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa lungsod.
Ayon sa alkalde, mahigpit nilang ipinatupad sa Pasay City ang zero-tolerance policy sa POGO operations.
Nagsasagawa rin aniya ang Pasay LGU ng mahigpit na monitoring, at nakikipag-ugnayan sila sa national law enforcement agents na nasa likod ng kampanya laban sa POGO operations.
Sinabi pa ng alkalde na sumailim din sa masusing pagsusuri ang business permits na kanilang inisyu sa 13,000 establishments sa lungsod ngayong taong ito.
Ang reaksyon ni Calixto-Rubiano ay kasunod ng pahayag ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Winston Casio na sinisilip din nila ang posibleng criminal liability ng local officials matapos ang sunud-sunod raid sa POGO hubs sa Pasay City.
UNIVERSE ENTERTAINMENT & KTV BAR, PUGAD UMANO NG PROSTITUSYON
BIGYAN naman natin ng daan itong reklamo ng ilang residente sa lungsod ng Pasay kaugnay sa diumanoy kababuyan ng isang malaking night club na dekada ng nag-ooperate ng kalaswaan sa kahabaan ng FB Harison Pasay City.
Ayon sa reklamo sobrang garapal ang ginawang pambababoy sa mga kababaihan sa lungsod na pinagsasayaw ng hubot-hubad ng operator ng Universe Entertainment & KTV Bar (formerly Miss Universe) dahil bukod sa pinagsasayaw ng walang saplot ang katawan ng mga bebot sa entablado ay talamak din umano ang “quickie sex” o panandaliang aliw sa mga VIP room.
Ang modus ng establisimyento ay makikita kapag naka table na ang babae sa isang kostumer. Habang nakaupo sa dining ay nilalambutsing naman siya ng kanyang ka-table na babae para nga naman mapapayag siyang mag-VIP sa halagang “IF THE PRICE IS RIGHT” ay kasama na ang pulutan alak o beer pero hindi umano kasama ang “wantusawang sex” dahil may iba itong presyo?
Pero ang masaklap bago nila ito maka-sex ay katakot-takot na gastos ang inaabot nito.
Patuloy ang pagtaas ng kaso ng prostitusyon sa ating bansa dahil karamihan sa mga naging biktima ay “minors” na pinapasok sa mga prostitution den na kahirapan ang pangunahing dahilan kaya pati kaluluwa ay ibinebenta para kumita ng kaonting pera.
Ewan ko lang kung paano ito nakakalusot kay PCOL SAMUEL PABONITA, ang hepe ng Pasay City Police Station na babuyin ng bahay aliwan na ito ang lungsod ni Mayor Emi Calixto-Rubiano.
Oh baka naman magaling lang makisama ang may-ari ng Universe Entertainment Bar & KTV kay Col Pabonita?!
May follow-up pa! Wag kayong bibitiw!
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com