Advertisers

Advertisers

Nuggets wagi vs Pacers

0 9

Advertisers

UMISKOR si Aaron Gordon ng 25 points, Michael Porter Jr. may 19 points at 11 rebounds habang si Nikola Jokic nagdagdag ng 18 points, nine rebounds at career-high 19 assists upang tulungan ang Denver Nuggets sa 125-116 wagi laban sa Indiana Pacers Lunes ng gabi sa Indianapolis.

Christian Braun may 17 points para sa Denver,. Jamal Murray nagdagdag ng 16 points at Zeke Nnaji may 14 off the bench.

Ang Nuggets ay umabante ng 17 at nalagot ang Indiana’s three-game winning streak. Ang Denver ay hindi na lumingon pa matapos sumulong ng maaga sa unang yugto.



Myles Turner pinamunuan ang Indiana sa iniskor na 23 points. Tyrese Haliburton nagdagdag ng 19 points at 15 assists, Pascal Siakam may 19 points at nine rebound, Aaron Nesmith umiskor ng 17 points at Obi Toppin nagtapos ng 11.

Ang Indiana ay nabigo ang kanilang ninth straight meeting laban sa Denver, na nag shot ng 56.4 percent mula sa field at 8 of 21 (38.1 percent) buhat sa 3-point range.

Indiana ay naglaro na walang point guard T.J. McConnell, dahil sa sprained right ankle.