Advertisers
MATAPOS ang unang kontrobersya kina Mark Herras at recording àrtist/philanthropist na si Jojo Mendrez na umano ay nagkasama sa isang hotel casino kamakailan, may bago na namang tsika ang lumabas tungkol sa dalawa.
Diumano, may isang waiter ng Dapo Restaurant na nakapulot ng isang liham mula raw kay Jojo at naka-address para kay Mark. Nakalagay sa letter na “bebe” ang tawag ni Jojo kay Mark kaya hindi naniniwala ang ibang tao na magkaibigan lang sila.
Base sa nakuhang liham, nakasaad ang mensaheng ito, “Dear Bebe, please wag ka ng magsayaw sa gay bar hindi kasi maganda para sa yo… “Take care always. Nandito lang ako… “Always, Jojo.”
Nagresulta ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. Nang hingan naman ng panayam si Mark na laging viral sa panahong ito lalo na nang magbigay siya ng flowers kay Jojo nung magkaroon ito ng presscon ay idiniin ng aktor na magkaibigan lang daw sila ni Jojo at bahala na mag-isip ang iba sa pakahulugan nila sa kanilang pagtitinginan.
Nilinaw din ni Mark na wala raw katotohanan na si Jojo ang gumastos ng ipinatatayo niyang bahay at hindi anya niya sugar daddy ang tinagurian ding Revival King.