Advertisers

Advertisers

Ilang kongresista nanindigan hindi na dapat makialam si PBBM sa impeachment process kay VP Sara

0 10

Advertisers

KINONTRA ng ilang kongresista ang mungkahi na magpatawag si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ng special session.

Ito ay para makapag-convene ang Senado bilang impeachment court na siyang maglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Diin nina House Assistant Majority Leaders Rep. Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur at Ernix Dionisio ng Maynila at Deputy Majority Leader Paolo Ortega ng La Union, nasa Senado na ang bola kung paano papakbuhin ang proseso ng impeachment kaya mainam na hindi na manghimasok ang Pangulo.



Ipinaalala rin nina Adiong, Ortega at Dionisio ang pagkakaroon ng separation of powers para maiwasan ang posibleng constitutional crisis.