Advertisers

Advertisers

Filipina gymnast Haylee Garcia nakupo ang 2 silver medals sa Texas

0 9

Advertisers

NAKUPO ng Filipina gymnast na si Haylee Garcia ang dalawang silver medals sa 2025 WOGA Classic Gym 2 tournament na ginanap sa Frisco, Texas, USA.

Ang teenager,na level 10 gymnast ng AZ Dreams,ay nagtala ng 9.350 points sa uneven bars at 8.900 points sa balance beam apparatus, sapat na para masungkit ang silver medal sa parehong events.

Nagtapos rin siya 5th place sa Junior B women’s all around event sa iniskor na 34.800 points.



Bago ang kanyang stint sa Texas, Nagwagi si Garcia ng five golds sa nakaraang 2024 Batang Pinoy tournament sa individual all-around, balance beam, floor exercise, uneven bars, at ang vault, habang kinatawan ang Pasig City.