Advertisers
Ni Edwin Moreno
DAPAT na segurong kumilos ang butihing Laguna PNP Provincial director na si Col. Ricardo Dalmacia at ipahuli sa mga Chief of Police nito ang nagkalat na sugal lupa o pergalan.
Ayon sa insider ng Kalawit, kapustahan nina Judith, Baby Tomboy, donya Tessie, Rommel, Mily at Evie ang 2 itlog na sina Aries at alyas Rene Villanueva na nagpapakilalang kolektor ng Laguna Provincial Police Office.
Dagdag ng insider sa lingguhang koleksyon ng payola Nina Rene at Aries, sa mga illegal na pasugalan, PAIHI at bookies laging sambit ang pangalan ng kawawang PNP Provincial director.
Para sa kaalaman ni PD Col. Dalmacia, ang mga salot na color game sa pergalan ni Judith, sa Brgy. Lankiwa, Sto Domingo sa Biñan City.
Rommel ng Star mall ng Sta Rosa at Victory mall at donya Mily sa Tongtungin Los Baños at donya Tessie sa lungsod ng Biñan.
Si Elmer sa Brgy. Pulo ng Sta. Rosa, sa lungsod na pinamumunuan ni Mayor Arlene Arcillas at Chief of Police Lt. Col. Benson Pimentel.
Habang ang salot na sugalan ni Evieat boy walang life na hari ng PIPA ay sa Ariza Plaza ng Pagsanjan Laguna ni Mayor Arman Dimaguila at Chief of Police Lt. Col. Danilo Mendoza.
Meron din salot na pergalan si donya Tessie sa Brgy. Mainit, Bae Laguna at ang garapalang bookies ni RENE sa Lumban Laguna na sakop ni Mayor Rolando Ubatay.
Sa reklamo ng Non-Government Organization (NGO’s) dapat daw agad aksyonan ni PD Col. Dalmacia mga Chief of Police at mga nabanggit na City Mayor ang salot na pergalan.
Sa susunod ibubulgar natin ang lingguhang PAYOLA na tinatara nina Aries at alyas Villanueva gamit ang pangalan ng butihing director at koleksyon ng CIDG Cabuyao at CIDG RFU4A.
Abangan : may karugtong….