Advertisers
Ni Beth Gelena
NALOKA si Anne Curtis sa warmth welcome na binigay ng It’s Showtime hosts nila nitong nakaraang Sabado.
Ang tagal kasing walang appearance ang Aussie-Pinay actress host sa noontime show kaya ganun na lang siya ka-miss ng kapwa hosts.
Sinurprise nila Vice Ganda si Anne.
May magko-concert umano na artists para sa late birthday celebration ng misis ni Erwan Heussaff.
Na-amaze naman ang TV host actress at buong ngiti na pakikinggan daw niya ang paborito niyang kinakanta kung sino man ang surprise winner na kanilang inimbitahan.
Pero laking gulat niya nang dalhin siya ni Vice sa gitna sabay announce na si Anne pala ang actual na kakanta.
Lalong nasurprise si Anne dahil hindi raw siya ready at walang praktis.
Hindi na nakatanggi ang birthday girl nang mag-umpisa nang tumugtog ang banda, impromptu ay napakanta na si Anne ng live.
Kesehodang magpaling paling ang boses niya, pero nasa tama pa rin ang kondisyon ng boses niya kahit na panay ang birit niya.
Post ni Anne sa kanyang Instagram Stories, “what a great way to end my birthday week, with my showtime family and the madlang people. A sponty surprise by giving me an impromptu birthday prod number (buti na lang Karaoke Queen ako) instant Showtime Core Memory for me. One for the books. Swipe to see all the craziness. Ahhh missed them so much! Thank you my Showtime family! Love you all!”
Komento ni Ogie Alcasid: “Absolutely adorable with your sponty prod dear”
“Hindi na kailangan ng rehearsal OPM Dyosa namin yan”
“So so so fun. Thought you won’t get to celebrate your birthday on showtime and won’t have prod anymore but it was even better. What a way to mark your 40th birthday (15th on the show!!!) Thank you so much for the instant serotonin boost whenever you’re present. We love.you so much and we’re alteady counting the days until you’ll back again.”
“THE BEST BDAY PROD SO FAR!! OUR KARAOKE QUEEN NEVER FAILS TALAGA HAHAHAHA”
“Hindi complete ang it’s Showtime kapag walang Anne Curtis”
“Hahaha kabisado lahat ng lyrics talaga”
***
IT’S SHOWTIME HOST SINUGOD SA HOSPITAL
ISINUGOD sa hospital ang It’s Showtime host na si MC Muah due to kidney stones.
Dinala sa hospital ang comedian dahil sa sobrang pananakit ng kanyang lower back at hirap sa pag-ihi.
Napag-alaman na may sakit sa bato si MC at kaya hirap mag-pee dahil nakabara na ang bato sa dinadaanan kapag siya ay umiihi.
“Yung kidney stones ko, dinurog. Shinockwave. So ngayon wala na siya, durog na siya. Ilalabas ko na lang siya,” ani MC.
“Masakit yung likod at nahihirapan akong umihi. Sa executive check-up pa lang, nakita na. So ini-schedule agad-agad kasi ‘yung bato, bumaba na sa pantog. Kaya masakit na tuwing umiihi.”
***
SUNSHINE MOVIE NI MARIS WAGI SA 75TH BIFF
WINNER ang movie ni Maris Racal, Sunshine na dinirek ni Antoinette Jadaone ng Crystal Bear sa 75th Berlin International Film Festival.
Crystal Bear is awarded to the Best Film of both the Generation Kplus and the Generation 14plus competition, the latter where Sunshine competed in.
Um-attend si direk Jadaone at isa sa actor ng movie na.si EJ Canlas sa European premiere ng Sunshine sa Berlinale.
Naroroon din si Maris sa Berlinale para sa opening ceremony.
Lumakad din siya sa red carpet, pero umalis din agad bago mag-preniere ang movie.
Ayon sa producer na si Bianca Balbuena, ang Sunshine ay pang ikatlong beses nilang proyekto na nanalo sa Berlinale.
Ang naunang dalawa ay Lav Diaz’s Hele sa Hiwagang Hapon winning the Silver Bear in 2016 at Pham Ngoc Lan’s Cu Li Never Cries winning the Gesellschaft zur Wahrnehmung von Film-und Fernsehrechten Best First Feature Award last year.