Advertisers

Advertisers

Kyline emosyonal nang ipakilala sa parents ng dyowang si Kobe

0 14

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAG-POST si Ogie Diaz ng payo/ hamon para sa lahat ng nag-file ng certificate of candidacy (COC) para sa magaganap na eleksyon sa darating na Mayo.

“Sa mga tumatakbo sa kahit anong posisyon, ‘pag tinatanong kayo kung anong batas ang isusulong nyo kung sakaling manalo kayo, sagutin ninyo.



“Kasi batayan din yan ng mga botante kung karapat-dapat kayong iboto pagkatapos marinig ang mga plano ninyo para sa bayan o sa mga constituents n’yo,” simulang pahayag ni Ogie.

Patuloy pa niya, “Hindi yung gagamitin mo na lang yung gasgas nang narrative na, ‘Naghihirap na ang bansa. Ang

iniisip natin ay kung paano makakatulong sa kanila.’ Ang linaw ng tanong: anong batas nga?!

“Kung kaya mong utuin ang mahihirap na iboto ka, paano naman yung mga gustong malaman at aralin ang plataporma mo?” aniya pa

“Juicekolord! Gamit na gamit na ang mahihirap nating kababayan, pero hanggang kampanya at eleksyon lang ba sila mabango at kailangan ng mga tumatakbo?



“Pero ang buhay ng karamihan, nganga pa rin sa kaaasa sa mga pangako ng mga pulitiko.

“Pag-aralang maigi ang papasuking pulitika. Hindi porke malinis ang puso mo, pwede na.

“Salamat kung totoong malinis ang puso mo, ha? Pero kailangan din ng UTAK. Higit sa lahat — ng malinis na KUNSENSIYA,” ang matapang pang pahayag ni Ogie.

***

NA-MEET na finally ni Kyline Alcantara ang pamilya ng boyfriend niyang si Kobe Paras.

Naging emosyonal daw ang dalaga nang ipakilala na siya ni Kobe sa mga kapamilya nito na naninirahan sa Los Angeles, California, USA.

Kuwento ni Kyline sa panayam ng GMA, grabeng kaligayahan ang kanyang naramdaman nu’ng araw na yun, lalo na nang makasama niya ang mga ito at maka-bonding kahit sa maikling panahon lamang.

Pinasalamatan ng dalaga ang ipinakitang kabaitan at pagmamahal sa kanya ng family ni Kobe lalo na ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga ito.

“I’m so happy that they showed me love, that they appreciate our partnership. Yeah, I’m grateful,” pahayag ni Kyline