Advertisers
Ni Archie Liao
SA isang panayam, inamin ni Julia Montes na naaapektuhan siya dati kapag may pumupunang tumataba siya.
Hindi naman niya ikinaila na bilang tao ay meron siyang share of insecurities.
Aniya, nama-magnify pa raw ito lalo’t isa siyang celebrity na bawat kibot ay binabantayan sa social media.
Hirit pa niya, malaki raw ang epekto kapag napupuna ang pagtaba ng isang tao.
Bukod sa naaapektuhan ang self-esteem nito, nako-conscious daw ito kung paano niya dadalhin ang kanyang sarili at lalong nagkakaroon ito ng insecurity.
Pero sa ngayon daw ay natuto na siya kung paano i-handle ang mga sitwasyon kapag pinapansing tumataba siya.
Minsan daw ay idinadaan na lang niya ito sa biro kesa ma-upset o maging defensive.
Dedma rin daw minsan ang kanyang reaksyon sa opinyon ng ibang tao.
Sagot daw niya kapag inookray na tumaba ay dahil may pambili siya ng pagkain.
Kapag daw naman ang puna sa kanya ay pumapayat siya, sinasakyan na lang daw niya ito sa pagsasabing wala siyang budget.
Sa social media naman, hindi raw naman siya iyong tipong mapagpatol sa bashers.
Gayunpaman, kinukundena raw naman niya ang anumang uri ng body shaming.
Dalangin naman niya na sana ay maging considerate ang netizens pagdating sa pagka-kampeon ng body positivity kesa magkalat ng negativity sa social media.
Si Julia ay balik sa pagbibida sa seryeng “Saving Grac
e” kung saan kabituin niya sina Sharon Cuneta, Janice De Belen at Sam Milby.
Tampok din dito ang child wonder na si Zia Grace.