Advertisers

Advertisers

IMPEACHMENT TRIAL NI MISFIT SARA ITUTULOY NI TSIS

0 37

Advertisers

SA AMING pagtaya, itutuloy ni Tsis ang naantalang impeachment trial ni Misfit Sara. Bubuuin ni Tsis ang Senado bilang impeachment court, pupulungin ang mga senador, at ilalatag ang mga tuntunin na susundin sa paglilitis ni Misfit Sara. Itutuloy ang impeachment trial sa ikalawa o ikatlong linggo ng Marso.

Maaaring tumagal ang impeachment trial ni Misfit Sara sa Senado hanggang sa ikalawang linggo ng Hunyo. Maaaring matapos o hindi at paglilitis. Kung hindi matapos, maaaring ituloy ito sa pagbubuo ng bagong Senado sa Ikaapat na linggo ng Hunyo. Dito na magkakatalo at ang bagong Senado na ang magpapasya kung tatanggalin o hindi sa puwesto si Misfit Sara bilang pangalawang pangulo ng bansa.

Nagsalita ang mga kilalang nilalang na kasama sa komisyon na lumilok at pumanday sa Saligang Batas ng 1987. Nagsalita ang mga kilalang manananggol na may alam sa mga probisyon at salita ng Saligang Batas. Iisa ang interpretasyon nina Christian Monsod, Adolf Azcuna, at Rene Sarmiento, mga kasapi sa komisyon, na kailangan umpisahan sa pinakamaagang panahon ang paglilitis ni Misfit Sara. Huwag ipagpaliban, anila, dahil wala itong batayan sa Konstitusyon.



Ganito rin ang opinyon ni Batangas Kin. Jinky Luistro at mga kongresista na kabilang sa 11-katao prosecution team upang usigin si Misfit Sara sa impeachment trial. Nagkakaisa sila laban sa mungkahi ni Tsis na ipagpaliban sa ika-3 ng Hunyo ang pagbuo ng Senado bilang isang impeachment court. Nagsalita si Senate Minority Koko Pimentel kontra sa mungkahi ni Tsis. Hindi kami bilib kay Koko pero dito, sang-ayon kami sa kanya.

Walang matwid si Tsis para muling ipagpaliban ang naantalang impeachment trial ng Senado sa pinakamadaling panahon. Masahol pa siya sa nasukol na binanliang pusa dahil naglabasan na ang kontra opinyon. Hindi maaaring isantabi ni Tsis ang mga salita ng mga taong mas magaling sa kanya pagdating sa batas. Pipitsugin si Tsis sa batas at hindi siya magaling.

Mahahalatang umuurong si Tsis kapag nagsasalita ang mga taong mas mahusay sa kanya sa interpretasyon ng batas. Nagdudumilat ang katotohanan na pinipilit ni Tsis dalhin ang opinyon publiko sa kanyang pinapaborang teorya. Hindi siya kinakagat ng sambayanan sa kanyang pilipit at pinilit na teorya. Wala siyang kredibilidad, sa totoo lang. Isang malinaw na pag-amin ang unti-unting pag-urong.

***

AGARAN simulant ang impeachment trial – ito ang panawagan ng mga lider mambabatas sa Camara. Bigyan puwang natin ang pahayag ni Kin. Jil Bongalon ng Ako Bicol Party List:



May panawagan man ang publiko o wala, Senado dapat simulan impeachment trial ni VP Sara

Hindi kailangan na manawagan pa ang publiko para aksyunan kaagad ng Senado ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte dahil ito ay kanilang mandato sa ilalim ng Konstitusyon. Iginiit ito ni House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Jil D. Bongalon na responsibilidad ng Senado sa ilalim ng Konstitusyon na aksyunan ang impeachment case mayroon mang panawagan dito ang publiko o wala.

“Clamor is not the basis for us to act on something that the Constitution mandates,” giit pa ni Bongalon. “Whether may clamor ‘yan o wala, eh sinasabi ho ng Constitution na meron ho tayong obligasyon, trabaho na mag-convene as the Senate sitting as an impeachment trial court.”

Giit ni Bongalon na ang proseso ng impeachment ay awtomatikong nagsimula sa pagsumite ng Articles of Impeachment sa Senado. “Malinaw, sinasabi doon, once na nai-transmit na ang ating impeachment or article of impeachment, then ang bola po ngayon ay nasa Senado na,” aniya.

Binatikos naman ni House Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre ang pagpapaligoy-ligoy ng Senado na umaksyon at pagbalewala sa sentimyento ng publiko. Punto pa ni Acidre na ang buhos ng suporta para sa impeachment sa Kamara ay kumakatawan sa mandato ng publiko.

“The 240 congressmen who signed for it, each representing their own district, already… reflects a sizable number of the Philippine population who are calling for the impeachment of the Vice President,” punto niya. Kinuwestyon din niya kung bakit kailangan pang hintayin ng Senado ang malawakang protesta gayong may resulta na ang demokratikong proseso sa gitna ng impeachment sa Kamara.

***

MGA PILING SALITA: “Anong clamor pa ba inaantay natin, naantay ba natin magkaroon ulit ng isang EDSA o magkaroon ng rally?” tanong niya. “I don’t think it’s fair to the democratic process to have to wait for certain mobilizations to be able to discern the will of the people.” – Kin. Jude Acidre

“Hindi ibig sabihin na porke may public clamor or rallies in EDSA or anywhere else saka lang po tayo aaksyon sa isang bagay dahil nag-iingay ang taong bayan.” – Kin. Jil Bongalon