Advertisers

Advertisers

Ilang mastermind na mga POGO bosses, nasa bansa pa rin – Sen. Gatchalian

0 7

Advertisers

INIHAYAG ni Senador Sherwin Gatchalian na nananatili pa sa bansa ang ilang mga “mastermind” o POGO bosses sa kabila ng ipinatutupad na ban dito ng pamahalaan.

Ayon kay Gatchalian, marami pang POGO bosses ang nandito pa sa Pilipinas at ayaw bumalik ng China dahil makukulong sila.

Batay sa mga nakuhang impormasyon ng mambabatas, nasasangkot sa kidnapping at mga pocket scamming activities ang mga natitirang dayuhang sindikato ng POGO.



Ikinalugod naman ni Gatchalian na hindi tumitigil ang mga awtoridad para ubusin ang mga sangkot sa POGO kaya linggo-linggo ay mayroon pa ring mga natutuklasang patagong operasyon ng scamming hubs ng mga dating nagtatrabaho sa POGO.

Umapela si Gatchalian ng tulong mula sa lokal na pamahalaan, mga barangay at sa mga pribadong sektor na tulungan ang pamahalaan na tuluyang masawata ang mga patagong operasyon ng POGO sa bansa.