Advertisers

Advertisers

House leader sa mga Senador: Pag-isipan mabuti ang bigat ng mga alegasyon sa impeachment case vs VP Sara

0 14

Advertisers

UMAPELA si House Assistant Majority Leader Jay Khonghun sa mga senador na magsisilbing hukom sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte na pag-isipan mabuti ang bigat ng mga alegasyon.

Ang banta ng pagpatay na ginawa ni Bise Presidente noong Nobyembre 23, 2024, laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First lady Liza Araneta Marcos, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdezna kanyang sinabi sa isang online press conference na mabilis na kumalat sa social media ay ang unang alegasyon sa Articles of Impeachment na inihain laban sa Ikalawang Pangulo.

Una ng naghain ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DoJ) ng mga kaso laban kay Vice President Duterte para sa grave threats at inciting to sedition kaugnay ng naturang banta.



Ani Khonghun, iniuutos ng Saligang Batas na agad kumilos ang Senado sa mga kasong impeachment, kaya’t mahalagang masimulan na ng impeachment court ang paglilitis sa Bise Presidente.

Kamakailan din ay nagbabala si Tingog Party-list Rep. Jude Acidre sa mga senador na habang naaantala ang paglilitis kay Bise Presidente Duterte, lalo lamang lumalaki ang panganib sa buhay nina Pangulong Marcos Jr., Unang Ginang Marcos, at Speaker Romualdez.

Sinabi ni Khonghun na handa na ang House prosecution panel na maghain ng matibay na ebidensya laban kay Duterte, na binibigyang-diin na walang sinuman ang nakatataas sa batas.

Dagdag pa ni Khonghun, kumpiyansa ang prosecution team na sa unang impeachment charge pa lamang ay makukumbinsi na nila ang Senado na hatulan si VP Duterte.

Pahayag pa ni Khonghun, kabilang sa ebidensyang magpapatibay sa kasong ito ang mga video ng press conference noong Nobyembre 23, 2024, kung saan lantaran at emosyonal na nagbanta si VP Duterte laban kay Pangulong Marcos, Unang Ginang Marcos, at Speaker Romualdez.