Advertisers

Advertisers

BoC official sa P270m ‘yosi for sale’ masisibak

0 19

Advertisers

NAGBABALA si Bureau of Customs (BOC) Commissioner, Bienvenido Y. Rubio, sa kanilang pananagutan kung makumpirma ang mga ulat na may tauhan ng ahensya ang sangkot sa tangkang pagbebenta ng P270 milyong halaga ng mga nasabat na kontrabandong sigarilyo mula sa Capas, Tarlac.

Ito ay makaraang iulat ng National Bureau of Investigation (NBI) na kasalukuyan nilang iniimbestigahan ang posibleng pagkakasangkot ng ilang tauhan ng BOC sa kasong ito.

Ayon kay Rubio, inutusan na niya ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Intelligence Group na tingnan ang bagay na ito at i-report agad sa kanila.



“Kaisa tayo ng NBI at nagpapasalamat sila sa paglaban sa smuggling ng sigarilyo. Malaki ang naging progreso natin dito, nasamsam ang P5.1 bilyong halaga ng e-cigarettes/vapes at P4.1 bilyong halaga ng tabako at sigarilyo, sa kabuuang halos P9.3 bilyon noong nakaraang taon,” ani Rubio.

Sinabi ni Port of Subic Acting District Collector, Marlon Fritz Broto, na agad inutusan ng Office of the District Collector (OCD) ang acting chief ng Auction and Cargo Disposal Unit (ACDU) na bumuo ng grupo at makipag-ugnayan sa NBI at local government unit tungkol sa sinasabing tangkang pagbebenta ng mga nasabat na sigarilyo.

Sa ulat, kinumpiska ng ahensya ang mga shipment at ini-refer sa disposal unit nang dumating at inabandona ang mga ito sa Port of Subic sa pagitan ng Hulyo 2021 at Hunyo 2022.

“Kapag naayos na ang bono, nagsimula ang proseso at nagsimula ang pagkondena noong Enero 6 at muli noong Pebrero 9 nang ang huling tatlong container ay dinala sa nasabing pasilidad,” ani Broto.

Nabatid na ipinuslit sa bansa ang apat na container ng mga sigarilyo kungsaan ang tatlo ay orihinal na naka-consign sa Hongcim International Corp. at ang isa ay naka-consign sa Proline Logistics Philippines Inc.



Kinumpirma ng BOC na ang Hazchem North ang kinontrata para i-dispose ang mga sigarilyo.

Ayon sa NBI, ang may-ari ng nasabing kompanya ang nag-utos sa kanyang environmental consultant na hanapan ng buyer ang kontrabando.

Ang ating koordinasyon sa NBI ay palaging isa sa mga dahilan kung bakit naging matagumpay ang ating mga operasyon. Kung target ng imbestigasyon ang isang tao mula sa aming koponan, iyon ang higit na dahilan upang makipagtulungan kami sa NBI upang makuha ang ilalim nito at panagutin ang mga tao,” sabi ni Rubio.