ASIA’S KING OF TALK Kuya Boy Abunda Grateful Sa GMA, Nag-renew Ng Contract; USWAG ILONGGO PARTY-LIST Ni Cong. Jojo Ang, Na Endorsed By Alex Gonzaga Nasa Top 6 Na!
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
LAST February 18 ay nag-renew ng contract sa GMA Network ang minamahal naming “Asia’s King of Talk” na si Kuya Boy Abunda. Hinirang na isa sa Top TV Hosts sa SouthEast Asia Awards sa Kuala Lumpur for his own talk show “FAST TALK WITH BOY ABUNDA.”
Present sa nasabing renewal of contract ang bigwigs ng GMA headed by President and Chief Executive Officer Gilberto R Duavit, Jr, Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, Executive Vice President for GMA Pictures and Senior Vice President for Public Affairs Nessa Valdellon, First Vice President for Radio Operations Glenn F. Allona, Vice President for Corporate Affairs and Communications Angela Javier Cruz and etc.
Well, sa unang taon pa lang ng Fast Talk with Boy Abunda na nasa Year 2 na ay naging matagumpay ito hindi lang sa Pinas, gayundin sa abroad. Kaya tuwing nag-aabroad si Kuya Boy, sikat siya sa mga kababayan natin na pinapanood ang kanyang top rating talk show, na malakas din sa DZBB na pinapakinggan ng marami. Bagong putahe naman kasi ang hatid ni Kuya Boy sa kanyang show na hindi lang nag-uupdate ng showbiz issues kundi may kasamang pakwela pa na nakikisabay sa pagsayaw at drama ang ating King of Talk. Kaya mapa-beteranang artista o baguhan man ang bisita (guest) niya sa Fast Talk ay patok talaga sa mga manonood. At hindi lang ito ang sikat na show ni Kuya Boy. Parami nang parami rin ang mga nanonood sa kanilang “CAYETANO IN ACTION WITH BOY ABUNDA.” Yes, hindi lang ito tinatangkilik sa ating bansa kundi marami na rin silang viewers sa mga bansa sa Asya partikular na sa Hong Kong, Malaysia at Thailand. Yes, dinumog ng mga kababayan natin si Kuya Boy, nang mag-taping sila last month nina Ate Senator Pia Cayetano at kuya Sen. Allan Peter Cayetano sa Hong Kong. Maging ang Cayetano siblings ay pinagkaguluhan din ng kanilang fans and supporters. At wow, nasa over 64K na ang following ng Cayetano In Action with Boy Abunda sa kanilang Official Facebook Page. In all fairness sa kanilang Public Service and Entertainment show, marami silang mga natutulungang kababayan natin sa usaping personal na problema at usaping legal na madalas ay nakararanas ng pang-aapi at abuso. Mapapanood sila sa GMA 7 tuwing Linggo sa ganap na 11 ng gabi at sa replay nito tuwing Sabado, 10:30 ng gabi sa GTV channel 11.
***
ANG bongga at muling pinatunayan ng LOVE naming si Alex Gonzaga na very effective siyang celebrity endorser. Imagine, from Social Weather Station (SWS) Survey na from Top 15 na pwesto ng ineendorso niyang Party-list na USWAG ILONGGO ni Cong. James “Jojo” Ang, ngayon ay nasa Top 6 na ito base sa latest survey.
Pwede pa nitong maungusan ang mga nasa Top 1 to Top 5 sa mga susunod na araw. Well, Team effort ito. Parehong famous si Alex na top vlogger ng bansa at si Cong. Jojo naman ay sikat sa mga kababayan niyang Ilonggo. At pareho silang masigasig na mag-promote ni Alex na millions ang followers sa Facebook (13 million), IG (12.6M) at Youtube na over 14 million (still counting) naman ang subscribers nito . As we heard, kinaiingitan nga raw itong si Cong. Jojo at dalawa pa niyang kapwa nominee sa USWAG ILONGGO PARTY-LIST. At sila ay may Alex Gonzaga. Sana all daw. Well, subok na ang pagmamahal at malinis at tapat na serbisyo ng nasabing kongresista kaya’t parami ang mga nagtitiwala sa kanila. Kumbaga, nakatutok talaga siya sa kanyang mga proyekto sa kanyang mga minamahal na constituents. Tandaan ngayong May 12, 2025 midterm election ay nasa 156 sa Balota ang USWAG ILONGGO PARTY-LIST, Ang Kampyon ng Serbisyong Ilonggo! Di ba, my Dearest Mommy Pinty Gonzaga?