Advertisers
Timbog ang 26-anyos na lalaki nang saksakin ang isang lalaking naghatid sa kaniyang misis sa kanilang bahay sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal noong Huwebes.
Lumalabas sa imbestigasyon, na nakita ng suspek ang kaniyang asawa at biktima na sakay ng motor.
Dito na nagtalo ang dalawang lalaki dahil sa pagseselos umano ng suspek.
Nauwi naman sa pananaksak ang kanilang pagtatalo.
Samantala, matapos ang pananaksak, nadala sa ospital ang biktima na nagtamo ng sugat sa dibdib.
Ang suspek naman, na isang security guard, mahaharap sa kasong frustrated homicide.