Advertisers
NANGAKONG isusulong ni A-teacher Partylist nominee Virginia Rodriguez na gagawin niyang magbigay ng libreng pagkain sa mga mahihirap na estudyante, pamilya sa bawat barangay at terminal ng mga transportasyon upang labanan ang malnutrisyon at panatilihing malusog ang mga mamamayang Pilipino.
Sa isinagawang Gunting at Suklay Hanap Buhay CARAVAN ng ATeacher Partylist sa tatlong munisipalidad sa San Jose Nueva Ecija, Santa Fe Nueva Vizcaya at Aritao Nueva Vizcaya, sinabi ni Ms.Rodriguez na maghahain siya ng batas na tatawaging “Leave Nobody Hungry” para mabigyan ng sapat na pagkain ang bawat pamilyang Pilipino upang wakasan ang gutom at kagutuman sa bansa.
Ilang grupo ng mga kabataan tulad ng Kraysiz Krays Villegas at Mob Sparo ay nag-handog ng mga modernong rap kay Congresswoman Virginia Rodriguez, bilang suporta na matugunan ang mahigpit na kagu-tuman, kakulangan ng mga paaralan, pagkain at benepisyo para sa mga guro at estudyante.
Tiniyak din ni Ms.Rodriguez na lahat ng mga guro ay makakatanggap ng 50kilo sako ng bigas tuwing ika-15 araw ng buwan at ika-30 araw ng buwan upang matiyak na mayroon silang nutritional food sa kanilang mesa bago pumunta sa mga paaralan upang magturo.
Si Rodriguez, ang kauna-unahang Pilipino na naka tuklas ng VegieMax na multi vitamins na Anti-Cancer at ng isang- uri ng organic fertilizer upang mapaunlad ang mga pananim, ay may kakayahang magpatupad ng self supporting para sa Feeding Programs at Food Caravans sa bansa dahil siya lamang ang may kaalaman sa mga programang Agrikultura upang lumikha ng mga badyet na magagamit natin para sa pagkain gamit ang mga makabagong pamamaraan at makabagong teknolohiya sa Agrikultura.
Isusulong din ni Ms. Rodriguez ang isang panukalang batas na magpapababa sa presyo ng bigas at sa mga pangunahin bilihin sa pamamagitan paggamit ng mga organikong pataba upang mapabuti ang produksyon ng lahat ng produktong agrikultura.
Ang nangungunang ATeacher party-list na organisasyon ay nakatuon din sa pagpapahusay ng mga dagdag benepisyo para sa parehong mga guro at mag-aaral, pati na rin ang pagtatayo ng mga karagdagang silid-aralan upang matugunan ang dumaraming populasyon ng mga mag-aaral sa bansa.
Si Rodriguez, may-akda ng aklat na “Leave Nobody Hungry” ang tangin Partylist na ATeacher lang ang magsusulong ang isang price subsidy program para sa mga magsasaka at mahihirap na pamilyang Pilipino. upang ang mga mahihirap at maliliit na magsasaka ay kumita at mapalakas ang kanilang produksyon.