Advertisers

Advertisers

Higit 88K indibidwal direktang natulungan ng ‘Kalinga sa Maynila’

0 15

Advertisers

HIGIT 88,000 indibidwal na Ang direktang natulungan at napagserbisyuhan sa kanilang iba’t-ibang mga suliranin ng ‘Kalinga sa Maynila’ ng pamahalaang panglungsod habang 600 barangay na sa kabisera ng bansa ang nalibot nito.

Ito ang iniulat ni Mayor Honey Lacuna, kasabay ng kanyang pasasalamat sa patuloy na pagtangkilik ng mga residente ng lungsod sa kanyang ‘Kalinga’ program, na layuning dalhin ng diretso sa mamamayan ang mga pangunahing serbisyo ng City Hall.

Nabatid na ang nasabing bilang ng mga indibidwal at mga barangay ang opisyal na bilang o dami na napaglingkuran na ng nasabing programa simula nang ilunsad ito noong 2022 matapos na maluklok si Lacuna bilang kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila.



Sa kasalukuyan ang ‘Kalinga’ program ng lady mayor ay nagtutungo sa mga barangay araw-araw upang dalhin sa pamayanan ang iba’t-ibang serbisyo na karaniwan ng sinasadya ng mga residente sa City Hall.

Sa bawat ‘Kalinga’ ay bitbit ng alkalde ang lahat ng kanyang mga opisyal mula sa iba’t-ibang tanggapan, kawanihan at departamento upang tumugon sa lahat ng katanungan, reklamo, tanong at concerns ng mga residente. Sa ganitong paraan ay ‘di na kailangan pang pumunta ng City Hall ang mga tao dahil agad ng nasasagot ang kanilang mga tanong at saloobin. Nakakatipid din Sila ng oras, pagod at pera.

Maliban pa dito ay mayroon ding mga stalls na inilalagay sa labas ng venue ang bawat tanggapan na concerned para asikasuhin ang mga residente. Mayroon ding job fairs maliban pa sa libreng pet vaccinations, provision o renewal ng IDs para sa senior citizens, solo parents and persons with disability pati na rin ang kanilang pangangailangang medikal, birth and death certificates at iba pa.

Sinabi ni Lacuna na na dahil sa tagumpay ng kanyang programa ay nagdesisyon siyang magtayo ng modern ten-storey ‘Kalinga Center,’ na magiging isang one-stop-shop center ng basic City Hall social services. Ang nasabing center ay NAG-GROUND breaking na sa Paco, Manila, kung saan sinamahan siya nina Vice Mayor Yul Servo at Congressman Irwin Tieng, na kanyang pinuri dahil sa suporta sa kanyang proyekto sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga pangangailangan nito.

Ayon pa sa alkalde, ang lahat ng serbisyo na inaalok ng ‘Kalinga sa Maynila’ ay makukuha din sa nasabing center. Binigyang diin din ni Lacuna na ang pondo sa pagpapatayo ng center ay ‘di nagmula sa utang.



Sinabi pa ni Lacuna na kapag naitayo na ang center, lahat ng pangunahing serbisyong kinakailangan ng mga residente ay makukuha rin dito sa mas malaki at malawak na lugar. Ito ay bunga na rin ng pagsisikip ng may katandaan na rin na Manila City Hall.

Partikular na na tinukoy ng alkalde ang sitwasyon sa office of the senior citizens’ affairs (OSCA) na pinamumunuan ni Elinor Jacinto, na naglilingkod sa may 200,000 nakatatandang residente ng lungsod.

Napag-alaman na ang Kalinga Center ay may total project cost na ?973.3 million, kung saan ang Phase 1 ay ?400 million ang halaga habang ang Phase 2 ay ?573.3 million. Ito ay parehong pinondohan ng city budget. Target na matapos ang Phase 1 sa December 2025, habang ang bidding sa Phase 2 ay ngayong February 2025.

“Ang tanong marahil ninyo ay bakit ngayon lang? Atin pong sininop muna ang pondo ng lungsod. Ang gusto ko po kasi, galing sa sariling sikap ang ang gagamiting panggastos at hindi ‘yung mangungutang pa. ‘Yan po ang mahalaga. Lahat ng gawaing panglungsod na ating ginagawa ay galing sa sariling sikap. Pupuwede naman pala Kailangan lamang nating magsinop at maayos na pangasiwaan ang pondo ng ating lungsod. ‘Yan ang lagi ninyong maaasahan sa amin,” giit ng alkalde.

Ang lingguhang serbisyo ng ‘Kalinga’ na pinalawig ng kanyang administrasyon sa mga barangay at makukuha din sa nasabing center.

Ang ten-storey building ay magiging tahanan din ng bagong Senior Citizens Affairs Office, Youth Center, Crisis Center for Women and Children, Trabaho center, modern public library, Bahay ng Barangayan Center, multipurpose convention center at performance art theatre. (ANDI GARCIA)