Advertisers

Advertisers

Bustamante, Estiola nabigo sa Las Vegas 10-Ball Open

0 6

Advertisers

NABIGO sina Francisco “Django” Bustamante at Mark Estiola sa 2025 Las Vegas 10-Ball Open Sabado, Pebrero 22 (Linggo Philippine time) matapos yumuko sa kanilang final matches sa losers’ qualification sa Rio All Suite Hotel and Casino.

Kailangan ng 61-year-old nang dalawang panalo bago makapasok sa knockout stage, unang nabigo si Bustamante sa canadian Randal Bagot, 4-2, 1-4, 4-1, bago muling nabigo sa Polish Mateusz Sniegocki 4-2, 4-3.

Hindi rin pinalad si Estiola sa kabila ng nangibabaw sa 4-2, 4-2 wagi laban sa American Tony Chohan, nahihirapan kontra Peruvian Gerson Martinez Boza, 4-2, 4-1, sa laban na tumagal ng isang oras at 53 minuto.



Ang panalo nina Bustamante at Estiola ang magbigigay sana sa kanila ng pagkakataon na kumita ng slot sa huling 32 na kinaroroonan nina 2006 Doha Asian Games silver medalist Jeff De Luna at Roberto Gomez, na nangibabaw sa kanilang kanya-kanyang second-round oponents Sabado ng umaga,Pebrero 22.

Sa katunayan, Naglalaro sina De Luna at Boza at press time, Habang nagpapaligsahan sina Gomez at American Laz Martinez.

Sa round rin ang Fil-Canadian Alex Pagulayan, na kinatawan ang Canada,na lumalaban kontra Ruslan Chinakhov.

Ang $125,000 tournament may alok na $37,500 para sa mag champion, na ang Top 32 ay tatanggap rin ng cash prizes.

Samantala, Chezka Centeno at Rubilen Amit ay sasabak kasama ang iba pang 62 sa Las Vegas Women’s 10-Ball Open na nakatakda sa Martes Pebrero 25.



Ang tournament ay may nakalaan na a $75,000 total prize fund na ang mag champion ay mag-uuwi ng $22,500 winner’s pot.